Juliana Palermo to join a reality show in the United States

IMAGE 0


Actress Juliana Palermo puts on hold her plan to join a U.S. reality show to join campaign shows this coming elections.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone last February 4 ang sexy actress na si Juliana Palermo. Napag-alaman namin na may plano palang sumali ang aktres sa isang sikat na reality show sa Amerika. Kaso, depende raw ‘yon sa magiging schedules niya rito sa Pilipinas.



"I'm supposed to fly back to the U.S. this March," sabi ni Juliana. "Kaso election season pala dito sa Pilipinas and may mga offers for me to do campaign shows. Sabi ng manager ko [Jojo Gabinete], sayang naman kung hindi namin tatanggapin. Marami rin daw ‘yon tsaka it will only be like two months lang.



"Okey lang naman sa akin because matagal din akong nawala sa Pilipinas and I miss working na rin. But before I left naman, nakatapos ako ng two movies—Kasal, Kasali, Kasalo and Agent X44. Both naman did well sa box-office, di ba?"



Dagdag pa niya, "I also did two digital films, Seroks and Faces of Love. I'm very proud of Faces of Love because I was able to work with Direk Eddie Romero who is a National Artist. Kumbaga, directorial comeback niya yun and I was lucky to be part of it."



Tuloy pa rin daw ang mga plano ni Juliana na subukan ang Hollywood. Wala naman daw siyang nakikitang masama kung bigyan niya ng chance ang sarili niya to explore another territory.



AMERICAN CITIZEN. "Technically, American citizen ako kaya edge ko ‘yon," ani Juliana. "I want to try my luck sa ibang bansa. Adventurous akong tao kaya I want to dare myself. Kaya yung plans ko to join a reality show in the States ay tuloy pa rin. Basta wala lang masagasaan dito na trabaho, I will definitely pursue it."



Samantala, nali-link ngayon si Juliana sa Korean actor na si Kim Heung Soo, star ng Princess Lulu, ang Koreanovela na napapanood sa ABS-CBN. Through a common friend daw nakilala ng sexy actress ang Korean actor nang lihim na magbakasyon ang huli sa Boracay. Pero nilinaw ni Juliana na hindi raw nanliligaw sa kanya si Kim dahil kakakakilala lang daw niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN