It's official: Patrick Garcia and Jennylyn Mercado are an item

IMAGE 0


"Love grows and love dies and at this point, kumbaga, mahaba pa yung time. At this point, love is okay. Who knows, di ba? She's nice to me, very caring and very sweet," says Patrick Garcia about his relationship with Jennylyn Mercado.



Sa press conference ng Super Twins last Monday, February 5, ay pareho nang umamin sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Patrick, "wala pang two months" ang relasyon nila.

Ipinaliwanag din ng young actor kung bakit tila tahimik siya sa relasyon nila ni Jennnylyn.

"Ayokong ginagamit kung ano man yung relasyon namin sa work," paliwanag niya.

Ano naman ang nagbunsod kay Patrick para maging open na sa publiko tungkol sa namamagitan sa kanila ni Jennylyn?

"I'm not open," pagbibiro niya. "Kung mayroong mga kaibigan tulad mo [addressing the reporter] na nagsasabing di ka pwedeng magsinungaling..."

Matatandaang sinabihan ng "I love you" ni Patrick si Jennylyn sa S-Files noong January 7. Sumagot naman si Jennylyn ng "Oo naman, mahal din kita."

Sa sumunod na panayam ng dalawa sa Startalk noong January 13, nakakabinging katahimikan naman ang kanilang isinagot sa tanong kung sila na nga ba.

JENNYLYN. Ayon kay Patrick ay maayos naman ang estado ngayon ng kanilang bagong relasyon.

Aniya, "Okay naman. Wala naman akong ibinibigay na problema. Hindi naman ako nambababae. Hindi naman ako lumalabas ng bahay," natatawang sabi ng binata.

Inilarawan din ni Patrick ang mood swings ni Jennylyn: "Minsan parang magagalit. Di ko alam yung rason. ‘Pag ganun, di ko muna nilalapitan. Maybe it's a girl thing. But she's very nice to me."

Hindi rin daw magiging balakid sa kanilang relasyon ang pagiging busy nilang dalawa. Ani Patrick, magkasama naman daw sila ngayon sa Super Twins.

Dagdag pa niya, "Siyempre, masaya ako working with Jennylyn."

Galante bang boyfriend si Patrick?

"I'm not too much of gifts, e," sabi niya. "Old fashioned ako. I don't like the girl to love me for what I give her. I want the girl to love me for who I really am. Dalawa lang siguro pinakasablay sa akin—yung di nagre-reply [sa tawag or text] at tulog nang tulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Love grows and love dies and at this point, kumbaga, mahaba pa yung time. At this point, love is okay. Who knows, di ba? She's nice to me, very caring and very sweet."

Ano bang mga katangian ni Jennylyn ang wala sa iba?

"You don' t have to find a reason really, e. As much as you want to find her difference among other girls, sometimes a person catches your eye. Sometimes, you don't know if it's right or wrong, if it will do good for you or bad for you," paliwanag pa ni Patrick.

MARK HERRAS. Hindi na rin naiwasang itanong kay Patrick ang tungkol kay Mark Herras, dating boyfriend ni Jennylyn. Naging malaking balita a few weeks ago ang alitan nina Patrick at Mark dahil diumano sa pagpapalitan nila ng text messages.

Nilinaw ni Patrick na wala siyang galit kay Mark. Pero inamin niyang nag-text siya minsan sa ex-boyfriend ni Jennylyn.

"I texted once," pag-amin niya. "I think it was said on TV. This is my exact text: ‘Hey bro, I heard you're bugging Jennylyn, I just wanna know if it's true. Sorry if I'm bothering you.'"

Dagdag pa niya, "I have no problems or indifference, as in wala. If they were together, walang problema sa akin. If they call each other, no problem with me."

Matapos nu'n ay sabi ni Patrick, "Let's forget that already. It's a small issue. I'm not gonna judge Mark, I'm not gonna judge Jen."

Civil naman daw siya kay Mark. "We talk naman in SOP, sa backstage. He's a nice guy to me," banggit pa niya, at idinagdag na maaari silang maging kaibigan ni Mark.

Incidentally, kasama rin sa Super Twins ang ex-girlfriend ni Patrick na si Bianca King. Nilinaw ni Patrick na "friends kami ni Bianca."

Sinang-ayunan naman ito ni Bianca sa pagsasabing, "I don't have any problem. Kaibigan ko si Jennylyn. [Si] Patrick close friends na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY LYDIA. Sinagot din ni Patrick ang isyu na hindi raw siya aprubado kay Mommy Lydia, ang tumatayong ina ni Jennylyn. Pabiro pang tinawag ni Patrick si Nanay Lydia, na nandun din sa press con ng Super Twins, bago magpaliwanag.

Ani Patrick, "Okay naman. No problem naman. They're very warm actually. So far, okay. Kung magkaproblema, siguradong malalaman n'yo naman."

Tila okay naman talaga sina Patrick at Mommy Lydia dahil pagkatapos ng press con ay iisang van lang ang sinakyan nila kasama si Jennylyn.

Sa Super Twins ay gagampanan ni Patrick ang papel ni Billie Vergara, isang bagitong pulis, samantalang lead star naman si Jen bilang si Super S. Sa kabila nito, hindi si Jennylyn ang makakapareha ni Patrick kundi si Camille Prats.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN