Erik chooses Piolo and Sam over Rufa Mae

IMAGE 0


"Huwag na lang bigyan ng meaning 'yon," says Erik Santos about choosing Piolo Pascual and Sam Milby's concert over Rufa Mae's guest performance at Ara Mina's concert.



Inuulan ng intriga ngayon ang singer na si Erik Santos dahil nilagyan ng malisya ang panonood nito ng Heartthrobs concert nina Piolo Pascual at Sam Milby noong February 3, Saturday, sa Music Museum. Kasabay kasi ng nasabing show ang kauna-unahang major concert ni Ara Mina sa Araneta Coliseum, ang Loving Ara, kung saan isa sa mga guests ay ang girlfriend ni Erik na si Rufa Mae Quinto.



May mga entertainment writers ang nakakita kay Erik sa show nina Piolo at Sam at lahat sila ay nagtaasan ng kilay dahil dapat daw ay nasa Araneta Coliseum ito para suportahan ang girlfriend.

Dati nang natsismis sina Erik at Piolo nang nagkasama ang dalawang ASAP '07 co-hosts sa isang show sa United States para sa mga TFC subscribers. Bukod pa rito ay ang walang tigil na pagkuwestiyon sa pagkalalaki ni Erik, na pinag-ugatan pa nga ng alitan nina Rufa Mae at Richard Gomez noon.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Erik kahapon, February 6, at kinumpirma namin sa kanya kung totoong mas pinili niyang panoorin ang concert nina Piolo at Sam kesa sa guesting ni Rufa Mae sa concert ni Ara.



"Hindi ganun 'yon," panimulang sabi ni Erik. "Kasi 'yong sa Araneta... kasi si Peachy [palayaw ni Rufa Mae] ay galing pa sa Laguna... kasi kaibigan ko si Piolo at saka si Sam so I have to support them. Since si Peachy ay nanood din noong first night kaya ako naman ang nanood nung second night. Pero humabol ako sa Araneta, sinundo ko si Peachy."



Paliwanag pa ng kauna-unahang Star In a Million champion, "Saka huwag na lang bigyan ng meaning 'yon kasi it's ano, e, parang napaka... Ewan ko, kasi ang babaw, hindi big deal. Sana huwag na lang lagyan ng kulay kasi ang ginagawa ko, support, kasi sinusuportahan din naman nila [Piolo and Sam] ako sa mga ginagawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Erik, tapos na ang part ni Rufa Mae sa concert ni Ara nang sunduin niya ang girlfriend. Pagkatapos daw ay tumuloy sila sa Master Showman Presents Walang Tulugan ni Kuya Germs sa Broadway Centrum.



Samantala, hiningi rin namin ang reaksiyon ng singer sa lumabas na balitang nabuntis umano niya si Rufa Mae.

"Siyempre tumawa lang ako kasi hindi naman totoo, e," tawa ni Erik.



Paano kung totoong nabuntis nga si Rufa Mae?



"Di sasabihin namin," sagot ni Erik. "I mean wala namang masama, e. Ang masama ay kung iba ang nabuntis ko, hindi ko girlfriend. 'Yon ang masama."

Dagdag pa niya, "Malayo pa 'yon mangyari kasi marami pa kaming gustong ma-achieve. Happy kami dahil we're enjoying each other's company at the moment. And dumadating naman 'yang time na 'yan, yung sinasabi nilang pag-aasawa sa tamang panahon. Sabi nga nila, in God's time, darating 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN