Lolit Solis ignores Angeli Valenciano's explanation

IMAGE 0


Angeli Pangilinan-Valenciano (left) reportedly tried to contact Lolit Solis to explain her resignation from PAMI, but the latter won't hear any of it.



"I'm busy.Wala siyang dapat i-explain." Ito ang naging pahayag ng talent manager na si Lolit Solis tungkol sa attempt ng talent manager ding si Angeli Pangilinan-Valenciano na magkausap sila.



Gustong ipaliwanag ni Angeli na walang katotohanan ang balita na si Lolit ang ugat ng kanyang resignation bilang miyembro ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI).



Isang phone call mula sa tauhan ni Angeli ang natanggap ni Lolit kahapon, February 7. Ipinatatanong diumano ni Angeli kung pwede silang magkita at mag-usap ni Lolit para maipaliwanag niya ang kanyang panig.



Para kay Lolit, wala nang dapat ipaliwanag si Angeli.

Si Lolit ay ang manager ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya gaya nina Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Lani Mercado, Mark Herras, Alfred Vargas, to name a few.

Si Angeli naman ang namumuno sa Genesis Entertainment. Ilan sa mga artistang hawak niya ay sina Jericho Rosales, Heart Evangelista, Donita Rose, at ang asawa ni Angeli na si Gary Valenciano.



Ang pangalan ni Angeli ang isinagot ni Lolit bilang pinaka-plastic na tao sa showbiz nang mag-guest siya noong November 2006 sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo Twister na Good Times.



Reportedly, na-offend si Angeli sa sagot ni Lolit at ito ang sinasabi na isa sa mga dahilan ng pag-alis ng misis ni Gary Valenciano sa PAMI—isang bagay na gusto niyang pabulaanan kay Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN