Gretchen Barretto on Angeli Valenciano: "Sino 'yon?!"

IMAGE 0


Gretchen Barretto (right) and former talent manager Angeli Pangilinan-Valenciano in their happier times. This photo was taken during the turnover of Ruffa Gutierrez's donation to UNICEF last March 29, 2006.


Hindi nag-abot sa 65th birthday party ni Eddie Gutierrez noong Martes, February 6, sa poolside ng One McKinley Place sina Gretchen Barretto at Angeli Pangilinan-Valenciano na nagkaroon ng palitan ng maaanghang na text messages recently.

Nakaalis na si Gretchen kasama ni Joyce Jimenez nang dumating si Angeli, na nanggaling sa wake ng ama ng isa sa mga staff nila sa Genesis Entertainment, ang pinamumunuan nitong talent management agency.

Biro ni Ruffa Gutierrez sa dati nitong manager, "Tita Angeli made sure na nakaalis na si Gretch before she came here!" na agad kinontra ng misis ni Gary Valenciano.

Paliwanag ni Angeli sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagpunta pa siya sa nasabing lamay kaya nagpasabi na siya kay Ruffa via text message na hindi siya makakarating nang maaga sa party.

Dagdag pa ni Angeli, na-appreciate niya ang effort ni Ruffa na tipong gusto nitong maging venue ‘yon ng pagbabati nila ni Gretchen, kaya lang ay hindi ito nangyari.

Matatandaang nagkaroon ng mainit na "text war" sina Angeli at Gretchen kamakailan na nagsimula nang i-request ni Ruffa si Angeli na ipagdasal si Gretchen sa mga intrigang pinagdaraanan nito. That time ay kainitan ng isyu nina Gretchen at Lani Mercado, kung saan naging bukambibig ang mga salitang "wedding" at "marriage."

Ayon sa balita ay sinabihan diumano ni Angeli si Gretchen na humingi ng tawad kay Lani dahil si Greta raw ang nagsimula ng gulo. Tila hindi naging maganda ang dating no'n kay Gretchen hanggang sa nagkapalitan sila ng masasakit na mensahe ni Angeli, na dati niyang manager.

Kumalat sa mga pahayagan at Internet ang diumano'y mga text messages nina Gretchen at Angeli sa isa't isa.

Gretchen to Angeli: "Who do you think you are to say those things to me? You leave me alone! You stole Gary from your sister and you took his youth and happiness! That's what people think and talk about you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angeli to Gretchen: "Your world is getting smaller, Gretchen! I know what people say about me! What about what they say about you? My husband and I have been married for 23 years and we're blessed!"

Gretchen: "You cannot deny the fact that you stole your husband from your very own sister and you call it blessed?! Your conscience should be bothering you all these years!"

Angeli: "I just wanted you to know how concerned I am. Nananahimik ako sa USA when Ruffa asked me to pray for you. I defended you, too, Lani was wrong, too. Many will be hurt if you continue to judge people. I will not allow you to talk to me this way! I am not taking sides here and I am sorry if I have offended you."

Sakaling nagtagpo sila nung birthday ni Tito Eddie, hindi raw iisnabin ni Angeli si Gretchen at sa halip ay babatiin pa niya ito. Aniya, wish niya ‘yon na magkita sila para magkaayos na silang dalawa. Hindi niya raw kokomprontahin si Gretchen kundi kakausapin niya ito nang maayos.

"I'm not angry at Gretchen. I love Gretchen because I know her very well!" pahayag ni Angeli sa PEP.

Samantala, bago dumating si Angeli ay na-ambush interview ng mga TV crew na naroon sa party si Gretchen tungkol sa iringan nila ni Angeli.

Isang patay-malisyang "Sino ‘yon?!" ang sagot ni Greta at iniwasan na niyang magsalita pa tungkol sa isyu, pero nilinaw niyang hindi damay si Gary V. sa away nila ng misis nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN