Lotlot de Leon not yet ready to reconcile with Pilita Corrales

IMAGE 0


Although Lotlot de Leon respects Pilita Corrales, the mother of her ex-husband Ramon Christopher, she is not yet ready to reconcile with her.


Maraming gustong magkaayos ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales at ang kanyang estranged daughter-in-law na si Lotlot de Leon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nangyayari.

Matatandaang nagkaroon ng gusot sa pagitan nila pagkatapos maghiwalay ni Lotlot at ang anak ni Pilita na si Ramon Christopher.

Kamakailan, nagpahayag diumano si Pilita na okay naman sa kanya na maging maayos ang sitwasyon sa pagitan nila ni Lotlot. Pero sinabi rin ng Asia's Queen of Songs na hindi siya ang unang gagawa ng hakbang para magkabati sila ng manugang.

Pero nang nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa pamamagitan ng telepono last Friday, February 9, sinabi nito na hindi rin siya ang gagawa ng unang hakbang para makipagbati sa biyenan.

Malaki raw ang paggalang ni Lotlot sa ina ni Ramon Christopher at nirerespeto niya ito pero hindi pa raw siguro ngayon ang tamang oras para magkaayos sila.

"If God willing, in God's time, kung magkakabati kami, kung mawawala ang friction between us, mangyayari yun. Hindi nga lang natin alam kung kailan. Huwag nating madaliin... Kung hindi pa yun mangyayari sa ngayon, huwag nating ipilit," pahayag ni Lotlot.

Marami ang naniniwalang hindi magtatagal at magkakaayos din ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN