Angeli Valenciano explains true reason of her resignation from PAMI

IMAGE 0


While talent manager Angeli Pangilinan-Valenciano admits that she was hurt when Lolit Solis named her as "the most plastic person in showbiz," it's not the reason why she is resigning from Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI).


Nakatakdang mag-resign ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa Philippine Association of Managers Inc (PAMI).

Supposedly, bukas, February 12, mag-aabot ng resignation letter si Angeli kay June Rufino, presidente ng nag-iisang managers association in Philippine show business, ngunit hindi ito matutuloy. Sa text na ipinadala niya sa S-Files kahapon, February 11, Angeli reiterated her intention to resign within this month.

While there were several rumors floating around sa cause ng resignation ng asawa ni Gary Valenciano, the loudest of which was her tiff with co-PAMI member Lolit Solis. Angeli, in a private text with their president, reportedly insisted it has nothing to do with it.

Hindi nagugustuhan ni Angeli na may mga lumalabas na balita sa mga pahayagan na si Lolit ang dahilan ng kanyang resignation dahil hindi nga raw ito totoo.

Explain ni Angeli, almost three years na niyang gustong mag-resign sa PAMI dahil na rin sa napakaraming personal bagay. Mostly about her being a mother to her children and daughter to her parents, pati na rin sa mga travel schedules.

While inamin ni Angeli na nasaktan sila ni Gary sa pagge-guest ni Lolit sa radio show ni Mo Twister sa Magic 89.9 na Good Times With Mo—kung saan si Angeli ang isinagot ni Lolit na most plastic person—this has nothing to do raw with her resignation.

May ilang issues na iminumungkahi si Angeli sa PAMI, in her words, "recognizable reforms in the field of artist management" na madalas ay nagiging cause of debate among members.

One reform is her suggestion "to get a five percent of paid talent fee for artists whose works have been replayed." Walang nakukuhang sweldo ang kahit sino kapag na-replay ang isang show or episode na nagawa nila sa television.

The purpose of the reform daw is para maningil sana ang PAMI sa mga television stations na nagri-replay ng mga previous shows or episodes ng mga artistang hawak nila. Balitang this is not a popular idea dahil in the long run, ang mga artista rin ang matatalo rito kapalit ng five percent na baka hindi na sila muling kunin ng television networks kapag naaprubahan ang ruling na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kanyang asawang si Gary, si Angeli rin ang nagma-manage sa magkasintahang sina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Ang five-year-old soap ni Echo na Pangako Sa Yo together with Kristine Hermosa is being replayed sa ABS-CBN as pre-programming to its news show TV Patrol World.

Bago nag-resign si Angeli, nauna nang nag-resign ang kanyang sister-in-law na si Gina Valenciano-Martinez sa PAMI. Si Gina ay kapatid ni Gary at asawa ng aktor na si Leo Martinez.

PAMI membership is by invitation only.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN