Anne Curtis says Sam Milby is not gay

IMAGE 0


"For those people who believe [the rumor], they don't know him. Those who do know Sam, alam nila na it's not true," reacts Anne Curtis on rumors that her screen partner is gay.



Nobody really expected Anne Curtis would really make it big in ABS-CBN after transferring from GMA-7. Nagsimula sa teeny-bopper roles, now Anne is one of the country's top young actresses.



Kung dati ay panay lang daw pagpapa-cute ang alam gawin ng Fil-Australian beauty, ngayon ay nahasa siya sa pag-arte dahil na rin sa mga magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio na ABS-CBN.

Unang nasabak ang kakayahan ni Anne sa pag-arte sa primetime drama series na Hiram noong 2005, kung saan nakipagtagisan siya ng acting kina Dina Bonnevie, Kris Aquino, at Heart Evangelista. Dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa nasabing teleserye ay pinagkatiwalaan ng Dos si Anne upang gampanan ang lead role sa television remake ng Kampanerang Kuba, na ginampanan sa pelikula ni Vilma Santos.

Ngayon ay kasama naman si Anne sa soap opera na Maging Sino Ka Man, kung saan kabituin niya sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at Sam Milby. Dahil sa kanyang pagganap bilang Celine ay sinasabi ng marami na nasasapawan ni Anne ang acting ng kanyang co-star na si Bea.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne sa dressing room ng ABS-CBN during the live presentation of ASAP '07 ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa paghahambing sa kanila ni Bea.



"I guess these are the people na mas nakaka-relate sa character ko, and may mga tao din na they say the opposite, kasi mas nakaka-relate sila sa role naman ni Bea. It's all fair even with the boys, kina Sam ang Lloydie kaya nga may apat na characters para pipili ka kung kanino ka ba dun," paliwanag ni Anne.



"Kami ni Bea, we don't think about those things talaga. Alam naming 'di ganun kasi we're just doing our job and we both love what we're doing," sabi pa ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Ane sa balitang nakakabawi na ang ABS-CBN sa ratings, lalo na pagdating sa mga primetime shows nila ‘tulad ng Maging Sino Ka Man.



"Of course, we're all happy," nakangiting sabi ni Anne. "But I think all of those people in ABS naman don't really think about their ratings anymore. Even if we are catching up with the ratings, it doesn't affect us. We're still all working hard. It's happy to know that because of the story [of Maging Sino Ka Man], nakaka-capture kami ng attention ng viewers."

Noon ay nagbigay ng pahayag ang kanyang leading man sa Maging Sino Ka Man na si Sam na sa lahat ng mga babaeng nakakasama niya ay si Anne ang pinakamalapit sa puso niya. Pero sa halip na mauwi sa isang mas malalim na relasyon ay nananatiling magkaibigan sina Anne at Sam.



"'Di siya nanliligaw, we're just really good friends. I'm not saying nothing will happen in the future, pero sa ngayon ay parehas kaming not longing for that. Ako, sobrang enjoy sa work ko, sa life ko na walang commitment, may freedom to do whatever I want to do," aniya.

Nagbigay rin ng komento si Anne sa patuloy na pagkukuwestiyon sa pagkalalaki ni Sam.



"I know very well that he's not [gay]," sabi ni Anne. "As what I always tell to Sam, rumors come and go in this business. The key to living is just not to really mind them. Let them say what they want to say because at the end of the day, does it do anything to them? For those people who believe [the rumor], they don't know him. Those who do know Sam, alam nila na it's not true."

Sinasabing the foundation of a relationship is friendship. Ito nga kaya ang kaso sa isa pang nali-link kay Anne na si Luis Manzano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're still the same, we're best of friends. I'm not closing my doors but I'm saying it's never gonna be for now kasi ayoko ring masira kung anuman ang mayroon kami ngayon," pagtatapos ni Anne.

Aside from Maging Sino Ka Man, regular na mapapanood sa ASAP '07 si Anne. Tapos na rin ang pelikula niya with Ai-Ai delas Alas and Luis na Ang Cute ng Ina Mo for Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN