Photo of Piolo and Sam holding hands is fake!

IMAGE 0


This computer-enhanced photo of Piolo Pascual and Sam Milby holding hands circulated on the Internet last week. But the original photo (inset) shows that Piolo and Sam were actually with Rica Peralejo—and the latter was in fact, the one holding hands with Piolo.



Napatunayan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na fake ang holding hands photo nina Piolo Pascual at Sam Milby na kumakalat sa Internet dahil lumabas ang original copy ng litrato at ito pala ay isang group picture na kasama rin ang minsang na-link kay Piolo na si Rica Peralejo at iba pang tao.



Mahigpit na magkahawak ang mga kamay nina Sam at Piolo sa fake picture na kumalat. Sa original copy na nakuha ng PEP, napapagitnaan ni Rica ang dalawang matinee idols at ang kamay ng aktres ang mahigpit na hawak ni Piolo.

Hindi nahirapan ang unidentified suspect na iretoke ang litrato dahil kapwa nakasuot ng wrist band sina Sam at Rica. Sa fake picture, nawala si Rica at naging magkatabi sina Sam at Piolo.



Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima ng modern technology si Piolo. A few years back, pinagbintangan ang aktor na siya ang bidang lalake sa isang malaswang sex video na umikot sa mga cellphone cameras.



Kusang namatay ang isyu dahil napatunayan ni Piolo na hindi siya ang lalake sa nabanggit na sex video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN