Bernard denies drugs or third party as reason for breakup with Meryll

IMAGE 0


Although Bernard Palanca admits that he still loves his wife Meryll Soriano, he is still firm on the decision he has made. Bernard says about their separation, "It just can't be and I've accepted italready. I'm moving on already."


Kinumpirma ng aktor na si Bernard Palanca nahiwalay na nga sila ng asawa niyang si Meryll Soriano.

Sa taped interview kay Bernard ni Ricky Lo sa Ricky LoExpolosives na ipinalabas kagabi, Pebrero 21, 2007, sa QTV 11 ay isiniwalat ni Bernard ang isa sa mga dahilan ngpaghihiwalay nila ni Meryll.

"Araw-araw kasi we would fight. Little things, useless things, parang nakakapagodlang," paglalahad ni Bernard.

Sa madalas na pag-aaway na ito, nilinaw naman ni Bernard nasinusubukan nilang dalawa na ayusin ito agad. Subalit sa ngayon, para sa aktor, masasabing "irreconcilable" na angsitwasyon.

Paliwanag ni Bernard, "Because we both tried e. We both tried to fix it naman e. Talagang kung may nangyaring problema,definitely, either she would fix it or I would try to fix it, parang ganoon.Even together, hindi na kaya e."

THE SPLIT. Inilahad pa ni Bernard kung paano ang nagingsitwasyon nila ni Meryll sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Panimulang pagsasaad ng TV actor, "Right now, I don't have aregular show, and she has. So she wasworking more than I was. She wasworking hard.

"Yeah, I understand...I know that it's supposed to be that—if one is down, the other onehelps—but it came to a point na parangI just... It made me feel already na...Ifelt useless, so I thought na parang, ‘What's my worth?'"

Dagdag pa niya, hindi raw siya nakaramdaman ng suporta mula sa asawa. Sa halip na "helping me to lift up or stand up, or say na, ‘Hey, you know, this is okay,'" ang nangyari ay tila mas hinihila siya pababa.

Ayon pa kay Bernard, "Normally, I wouldn't care about life, wala akong pakialamsa buhay. But I couldn't ignore this one. 'Yon na nga lang ang natira sa akin, e inapakan pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRUGS OR THIRD PARTY. Samantala, itinanggi ng aktor ang bali-balitang drugso ibang babae ang posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ani Bernard, "You know, if it's notdrugs, it's another girl. But it's not another girl e."

At sa usapin naman tungkol sa droga, "You know, I laugh at it na lang kasi I knownaman I'm clean e. I can be testedanytime."

Nang tanungin kung may pag-asa pa bang maisalba ang kanilangrelasyon, heto ang kasagutan ni Bernard: "If we're gonna talk about me and herreconciling as husband and wife, I've already made my decision and I stick tomy decision."

Sa kabila ng lahat, hindi naman pinagsisisihan ni Bernard angpagpapakasal niya kay Meryll. Ayon sa kanya, mahal pa rin niya ang asawa athindi raw mawawala iyon. Ang tanging pagsisisi lamang daw niya, "Sayang langthe time and energy and effort that we both put into it because it didn't work,'yon lang."

BIPOLAR DEPRESSION. Sa interview ni Ricky Lo, hindi rin naiwasang mapag-usapan angmga balitang lumabas na nakararanas diumano si Meryll ng bipolar depression.

Ang bipolar depression, ayon sa http://www.dhi.gov.au, ay ang sabay napagkaranas ng pagkasigla at pagkalumbay ng isang tao.

Hindi itinanggi ni Bernard ang diagnosis ng doctor na posible ngang makaranas si Meryll ng bipolar depression. Subalit ayon sa aktor, hindi naman ibigsabihin nito na hindi na maayos ang kalagayan ng asawa.

Paliwanag ni Bernard, "I want the public toknow na it's not bad, she's not crazy. There's medication na she's taking naman. She is under medication for it, and you know, so far she's in control of it naman."

ANNULMENT. Tila hindi na nga mababago pa ang isip ni Bernard sa planong hiwalayan. Para sa kanya, tanggapna niya ang mga pangyayari at unti-unti na siyang nakakapag-move on. Sa katunayan, nang tanungin siya kungnapag-usapan na nila ni Meryll ang annulment ng kasal, diretsang isinagot ni Bernard na, "Ihonestly want to get that done with it already parang lang it's out of the way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng paghihiwalay nila ng asawa, hindi naman tatalikuran niBernard ang responsibilidad niya sa magiging anak nila ng asawa na tatlongbuwan nang ipinagbubuntis ni Meryll.

"You know, honestly, when the baby comes out, I would be the happiestfather on earth. And I will definitelybe there for my baby, without a doubt," sabi ni Bernard.

At ang panghuling mensahe niya para kay Meryll: "I just wannasay thanks. Thanks for thememories—good and bad—but definitely I want you to know that there's no way inhell that I'm not going to be there for our baby."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN