Hope reveals sexual relationship with James Yap

IMAGE 0


James Yap reportedly started courting Hope eight months after he married Kris Aquino on July 10, 2005.


Mainit ngayon ang balitang lalabas sa Startalk nitong Sabado, Pebrero 24, si "Hope C," ang babaing sinasabing nagkaroon ng affair kay James Yap, ang kilalang basketball player na asawa ng pinaka-bankable talk-show host ng ABS-CBN, si Kris Aquino.

Sinabi ni Gorgy Rula, reporter ng Startalk, na si Hope ay dating nurse sa Belo Medical Group. Pinalayas raw ito ni Dr. Vicky Belo nuon lang Enero, nang pumutok ang balita ng affair nito sa asawa ni Kris, na kinokonsider na No. 1 endorser ng Belo clinic.

Nagpa-interbyu si Hope sa Startalk, ayon naman sa host nitong si Lolit Solis, dahil "di niya nagugustuhan ang mga sinasabing nagwawasak siya ng pamilya at siya ang naghabol kay James."

Ayon pa kay Lolit, "May mga hawak na text si Hope galing kay James na nagpapakitang si James ang naghabol."

May mga bahagi ng interview kay Hope, dagdag ni Gorgy, na hindi puwedeng ilabas ng Startalk sa darating na Sabado, dahil na rin sa rules governing television. Ito ay ang mga kuwento ni Hope tungkol sa "intimate moments" nila ni James Yap noong kainitan ng kanilang relasyon.

Naganap ang interview nina Lolit at Gorgy kay Hope noong Martes, February 20, sa isang undisclosed place sa Quezon City.



SEX DETAILS. Samantala, off-cam, ikinuwento ni Hope na siya ang nagpuno ng mga "personal na pangangailangan" ni James, "lalo na sa sex," na hindi raw naibigay ni Kris dahil "busy ito sa mga TV tapings."



Nag-ala-Monica Lewinsky si Hope nang aminin nito kina Lolit at Gorgy na literal na "nilunok" niya ang lahat, sa tuwing nagkakaroon sila ni James ng physical contact.



(Si Monica ang White House intern na nagkaroon ng relasyon kay former US President Bill Clinton at nagdetalye sa media ng oral-sex act niya sa asawa ni former First Lady Hilary Clinton.)



Ikinuwento rin ni Hope kina Lolit at Gorgy na nagkikita sila ni James tuwing araw ng Lunes sa loob ng sampung buwan na itinagal ng kanilang relasyon—mula March 2006 hanggang January 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naging open si Hope nang sabihin nito na nangyari ang lahat sa loob ng isang maliit na kuwarto sa clinic ni Dr. Belo sa Timog branch nito sa Quezon City, kung saan siya naka-assign.

Ayon kay Lolit, hindi niya malaman ang kaniyang reaksyon sa naging sagot ni Hope nang itanong nito kung paano nila nairaos ni James sa loob ng isang maliit na kuwarto ang kanilang pagnanasa para sa isa't-isa.

Ang sagot ng straightforward na si Hope ay, "Dog-style po, Manay."

Hindi rin daw alam ni Hope na ikinasal na pala si James kay Kris noong July 10, 2005, or walong buwan bago siya niligawan ng 2006 Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Basketball Association (PBA). Nang unang magkabutihan sila ni James, paalala ni Hope, di pa naman daw naa-announce nina Kris at James sa publiko na kasal na sila sa huwes. Sabi pa ni Hope, nang malaman niyang kasal na si James kay Kris, in-love na raw siya kay James.

Lumalabas na sa loob ng halos dalawang taong pagsasama nina Kris at James ay sampung buwan naman ang naging relasyon ng Purefoods player kay Hope.

KILLING THE STORY. Nakumpirma mismo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tumawag ang isang malapit kay James Yap sa staff ng Startalk kahapon, February 21. Nakiusap ito na huwag nang ipalabas ang interview ng Startalk kay Hope. Nangako pa nga ang tumawag na tatanawing malaking utang ng loob ni James kapag hindi itinuloy ang pagpapalabas nito.

Pero hindi pa man naipalalabas ang interview ni Hope sa Startalk ay marami nang lumalabas na detalye tungkol dito. Lumabas ang ilan ngayong araw, Pebrero 22, sa Abante Tonite, sa artikulong sinulat ni Abu Tilamzik, na pinamagatang "Hope, pinunan ang pagkukulang ni Kris kay James." Naihayag na rin ang ilang pang detalye sa DZBB nitong araw ding ito sa isang panayam kay Lolit Solis. Kabilang sa mga detalyeng ito ay ang pag-amin ni Hope na nagkaroon sila ng "sex" ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang humingi na ng patawad si James kay Kris on national television last Sunday, February 18, sa The Buzz—ang programang hinu-host ni Kris kasama sina Boy Abunda at Cristy Fermin. Sa telebisyon pa rin, tinanggap ni Kris ang paumanhin ng asawa at sinabing binibigyan pa ito ng ikalawang pagkakataon, dahil na rin sa kagustuhan niyang mabuo ang kanyang pamilya. Ngayong Mayo ay nakatakdang isilang ni Kris ang unang anak nila ni James.

Sa paglantad ni Hope at pagbibigay detalye ng kanilang relasyon ni James, di malayong lalaki pa ang isyu tungkol sa marriage problems nina Kris at James.

(Nakapanayam ng may-akda na si Jojo Gabinete sina Lolit Solis at Gorgy Rula para sa artikulong ito.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN