Zanjoe admits being closer to Mariel than Bianca now

IMAGE 0


"Actually, ever since naman, gusto ko na si Mariel. Alam ko na yun. Kasonga lang, hindi pa umaabot sa point na kami or may commitment kami saisa't isa. Maybe in the future, siguro hindi pa lang time ngayon," says Zanjoe Marudo.


During the press con of You Got Me last Thursday night, February 22, inamin ng model-turned-actor na si Zanjoe Marudo na nakakaramdam siya ng pressure sa ngayon dahil malapit nang ipalabas ang first movie niya para sa Star Cinema.

Idagdag pa na makakasama niya rito sina Toni Gonzaga at Sam Milby, na minsan nang napatunayan ang lakas ng kanilang tambalan sa takilya for their team-up movie, ang You Are The One.



"May pressure talaga sa akin," pag-amin ni Zanjoe. "Not just because nag-hit yung first movie nila together, but because first movie ko ito. Siyempre, nandoon yung tanong kung makakatulong ba ako sa kanila or what?



"Ako talaga, noong una ko silang makatrabaho, nandoon yung kaba dahil, unang-una, sina Toni at Sam nagkasama na sila. Tapos nakatrabaho na rin nila yung mga production people. Pero nang magsimula na kaming mag-shoot, mababait naman silang lahat at supportive, nawala rin kaagad yung kaba," aniya pa.



BIANCA GONZALES. Hindi naman maikakaila na naging matunog ang pangalan ni Zanjoe during his stint sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition. Ito ay dahil na rin sa "sweet moments" nila ni Bianca Gonzales sa loob ng Bahay ni Kuya na bigla na lang naisantabi paglabas nila.



Sa nangyaring break-up nina Bianca at ng boyfriend nito, ang TV director na si Lino Cayetano, ramdam ba ni Zanjoe na kahit paano ay reason din yung kung anumang namagitan sa kanilang dalawa ni Bianca sa loob ng Bahay ni Kuya?



"Meron talaga," mabilis niyang tugon. "Kung titingnan natin, meron talaga. Dahil doon sa ipinalabas [sa loob ng Bahay ni Kuya], iba yung naging dating sa mga tao. Meron siguro talagang effect."



Nakaramdam ba siya ng guilt, especially now na nag-break na nga nang tuluyan sina Bianca at Lino?



"Ewan ko, parang wala naman kasi akong naramdaman. Sa sarili ko, hindi ko naman kasi inisip na makasira ng relasyon or maghiwalay sila or ano. Walang intensiyon na ganoon. But I feel sad for Bianca kasi, nakita ko rin naman kung anong effort ang ginawa niya para ma-save yung relationship nila, pero yun nga..." pahayag ni Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Napag-usapan na ba nila ni Bianca ang nangyari at ang naging epekto ng ipinakita nilang sweetness at closeness nung PBB housemates pa sila?

"Hindi. Like kahapon [February 21], magkasama kami sa isang interview, never niya kasing inu-open kaya ayokong magtanong. Parang gusto ko, kung gusto mong mag-open sa akin, kung gusto mong maglabas ng sama ng loob sa akin, nandito ako para sa ‘yo," paliwanag niya.

RECONCILIATION. Given the chance, posible niya bang balikan si Bianca?



"Bakitnaman babalikan, e wala naman?" natatawa niyang sagot. "Actually, kamini Bianca, hindi kami nagte-text. Hindi kami nagtatawagan. Kasi kunganuman ang nabuo sa loob ng bahay, hindi naman nawawala yun. Nandoon parin yun kahit hindi kami nag-uusap. Halimbawa, may kaibigan kayo kahitisa or sampung taon kayong hindi magkita, ganoon pa rin naman."



Perobakit tila hindi niya masagot kung maari ba niyang ituloy or dugtungankung anuman ang nasimulan na sana nila sa loob ng Bahay ni Kuya,especially now na break na nga ito with Direk Lino?



"Hindi naman nawala yun, e, yung feeling ko na parang close ako sa tao, so kung ano... Ano ang itutuloy?"



Yung romantically, maging sila na nga?



"Hindi ko masabi e. Ang tagal na rin na hindi kami nagkikita, nag-uusap, so hindi ko alam."

MARIEL RODRIGUEZ. Paano naman niya ipapaliwanag na dahil daw sa kanya kaya nagkakaroon naman ng selosan between Bianca and Mariel Rodriguez?



"Actually, hindi totoo yun!" sabi ni Zanjoe. "Mas close nga sila ngayon, mas magkaibigan. Actually, mas nahihiya na nga ako sa kanilang dalawa dahil parang nagkakaroon sila ng isyung ganoon nang dahil sa akin. Parang nakakahiya naman dahil hindi naman totoo."



Ano nga ba talaga ang real score sa pagitan nilang dalawa ni Mariel?



"Kami ni Mariel ngayon? Mas close ako kay Mariel ngayon kaysa kay Bianca. Ibang level e," pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sila na ba ni Mariel?



"Ay, hindi! Actually, ever since naman, gusto ko na si Mariel. Alam ko na yun. Kaso nga lang, hindi pa umaabot sa point na kami or may commitment kami sa isa't isa. Maybe in the future, siguro hindi pa lang time ngayon.



"Wala talaga!" pagdidiin pa niya.

Huling tanong na lang, sino ang mas lamang sa puso niya between Mariel and Bianca?



"Naku, ang hirap naman ng tanong n'yo!" natatawa niyang sabi. Baka mamaya wala naman pala ni isa sa kanila ang pwede kong makatuluyan, so mahirap. At saka, magkaibang level naman ang closeness ko sa kanilang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN