Joross reacts to Roxanne's involvement in Bernard-Meryll split

IMAGE 0


"Ayokong magtanong kay Roxanne or kay Bernard na kilala ko naman. I wantto stay out of it. Ayokong mapagsabihan na nakikisawsaw sa issue," says Joross Gamboa.


Nagulat ang ex-boyfriend ni Roxanne Guinoo na si Joross Gamboa sa mga balitang kumakalat na may kinalaman daw si Roxanne sa hiwalayan nina Bernard Palanca at Meryll Soriano.



Sa nakarating na balita kay Joross, si Roxanne pa raw ang nagkalat sa mga kaibigan niya na tine-text daw siya ni Bernard. At ang text na ito diumano umabot sa mga kaibigan ni Meryll na eventually ay natanggap din ng estranged wife ni Bernard. Ang ending—naghiwalay ang mag-asawa.



"Hindi ko rin kasi maintindihan yung kuwento na nakarating sa akin," sabi ni Joross. "Ayoko namang itanong ‘yan kay Roxanne at baka sabihing tsismoso ako. Nagulat lang ako sa balita kasi may nasirang relasyon at ang nasisisi ay si Roxanne."



Naaawa nga si Joross sa kanyang ex-girlfriend dahil nadadawit ang pangalan niya. Lumalabas tuloy na third party si Roxanne.



"I really don't know kung ano ang tamang kuwento. Siguro ang makakapagsabi ng eksaktong kuwento diyan ay silang tatlo lang. Sila naman ang involved diyan e. Ako naman, nagkataon na naging girlfriend ko si Roxanne. Tapos na kami kaya wala na akong masyadong communication with her," paliwanag niya.



"Bilang isang lalake, ayokong makialam. Ayokong magtanong kay Roxanne or kay Bernard na kilala ko naman. I want to stay out of it. Ayokong mapagsabihan na nakikisawsaw sa issue. Magtrabaho na lang ako, di ba?" aniya pa.



Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang animeserye na kinabibilangan ni Joross sa ABS-CBN 2, ang Rounin. Mag-iisang taon na raw silang nagte-taping para sa naturang TV series na idinidirek ni Erik Matti, pero hindi pa raw ito matapus-tapos.



"Kaya nga hindi ako makatanggap ng ibang shows dahil hindi pa tapos itong Rounin," sabi ni Joross. "Matagal kaming natigil mag-taping kasi nagkaproblema sa set ng Rounin sa Rizal. Ngayon lang ulit kami na-resume, kaso nahihirapan naman silang i-reschedule ang mga artista. Hopefully, matapos na namin ito para makatanggap na kami ng ibang show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mabuti na lang daw at kasama pa rin siya sa lifestyle program na At Home Ka Dito or else, baka ang long-delayed na Rounin lang ang maituturing niyang show sa bakuran ng Dos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN