Kris Aquino, men, and controversies!

IMAGE 0


Way back in 2003. Remember the turbulent love affair of Kris Aquino and Joey Marquez? It was September 2003 when Kris went on national TV, crying and telling the people that Joey allegedly poked a 9mm gun at her. She also said that she acquired STD (Sexually Transmitted Disease) because of the comedian-host. Three months after, it was reported that they reconciled. But a few months after, they parted ways for good. Fast forward 2007. Kris is now married to cager James Y


Mula sa kanyang mga relasyon, rebelasyon, o kahit simpleng obserbasyon tungkol sa isang tao o bagay—mapag-uusapan si Kris Aquino. Ito ay dahil na rin sa kanyang pagiging prangka at totoo.

May kontrobersiya man o wala, may bago man sa kanyang buhay o dati pa rin ang mga bagay-bagay—mapag-uusapan pa rin si Kris Aquino. Ito ay dahil sa mala-teleserye niyang buhay.

THE PRESENT. Pinagpipiyestahan ng media ngayon ang relasyong Kris at James.

Matatandaang nagsimulang mapansin ng karamihan ang problema sa pagitan ng mag-asawa nang bigyan ni Kris si James ng "cold treatment" sa pag-guest ng huli sa The Buzz noong nakaraang February 11.

Ang "cold treatment" ay sinundan ng mga haka-haka. Dahil nga ba ito sa kotse? Nainis diumano si Kris nang magtampo si James dahil hindi raw niya ito pinagbigyan sa kahilingang magkaroon ng Porsche? Dahil nga ba ito sa pagtatampo raw ng ina ni Kris na si Cory Aquino kay James? Nagkaroon daw nang hindi pagkakaunawaan ang dating Pangulo at ang kasalukuyang PBA cager. Dahil nga ba ito sa "third party?"

Sa February 18 episode ng The Buzz, sinabi ni Kris na pinapatawad na niya si James, pero hindi naging malinaw kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng kanilang alitan.

Makalipas ang ilang araw, lumantad ang isang babaeng nagngangalang Hope— isang dating empleyado ng Belo Medical Clinic—na umamin, sa panayam ni Lolit Solis, na nagkaroon daw sila ng 10-month relationship ni James.

Naospital si Kris. Patuloy pa rin ang mga rebelasyon ni Hope. Nananatiling tahimik naman si James.



THE PAST. Ating silipin at balikan ang taong 2003 nang pumutok ang balitang naghiwalay na si Kris at ang isa pang dating basketbolista na si Joey Marquez.

Sumabog ang balitang ito kasabay ng Jose Pidal account na kinasasangkutan ng First Gentleman na si Mike Arroyo at ang nabigong Oakwood Mutiny noon, ngunit natabunan sila ng isyung kinsasangkutan ni Kris—lalo pa't inamin niyang nagkaroon na panunutok ng baril at nagkaroon siya ng STD (Sexually Transmitted Disease) dahil kay Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

September 23, 2003 nang makita ng madlang umiiyak si Kris sa TV Patrol, "Joey, alam ko kung ano ang ginawa mo. Tinutukan mo ako, kinasahan mo ako. Hindi ko dapat paabutin sa ganito."

Sa ulat ng YES! magazine, sumugod si Kris at ang abogadong si Raymond Fortun sa Rizal Provincial Prosecutor's office noong September 29, 2003, upang sampahan ng kasong grave threat, grave coercion, less serious physical injuries at illegal possession of firearm and ammunition si Joey Marquez.


Siyam na araw ang nakalipas—October 2,2003—humingi ng tawad si Joey sa dating news program ng GMA-7 na Frontpage, "Kung nanonood ka man, Kris, sa lahat ng naging pagkakamali ko, patawarin mo na ako."

Ilang minuto lang ang nakalipas, sumagot naman si Kris Aquino sa Channel 2 at sinabing, "Nais kong sabihin sa kanya na alam ko, na hindi lang naman siya ang may pagkakamali." Dagdag pa niya, "you'll never hear me again regarding this issue. This is finished."

Hindi pa noon annulled ang kasal ni Joey kay Alma Moreno nang magkaroon ng relasyon ang una kay Kris. Si Kris naman ay na-involved sa aktor na si Philip Salvador. Si Joshua ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon.

Magkaibang klase ng kontrobersiya pero parehong maingay at magulo. Ang malaking kaibahan, nagdadalang-tao ang si Kris. Winika nga ng kanyang malapit na kaibigan na si Boy Abunda, "Sana lang, in fighting form si Kris."

Paano malalampasan ni Kris ang panibagong hamon na ito sa buhay niya? Babawiin niya kaya ang mga salitang binitawan sa The Buzz noong nakaraang Linggo, Febuary 11, 2007: "It's my decision to stay married." Paano na ang relasyon nila ni James? Paano na kaya ang kalagayan ng baby?

Tanging si Kris ang nakakaalam.

At ang mga karagdagan pang katanungan: hanggang kailan lalabas sa telebsiyon si Hope? kailan kaya magsasalita si Kris? sino kaya ang mananalo sa TV ratings?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanging ang taong bayan ang makakasagot.

(With reports from YES! magazine, November 2003 issue)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN