Hope Centeno shows her face in an exclusive interview with "S-Files"

IMAGE 0


Hope Centeno, the former Belo Medical Group employee who claimed she had an affair with basketball star James Yap, finally reveals herself on S-Files, a GMA-7 showbiz talk show. This undated photo of Hope was taken from a Friendster account of a co-worker.


Nagdesisyon si Hope Centeno na lumantad bukas, February 25, sa S-Files (ang Sunday showbiz-oriented talk show ng GMA-7) para ikuwento ang iba pang detalye ng ten-month relationship nila ni James Yap, ang controversial basketball player/husband ni Kris Aquino.



Sa panayam ng S-Files kahapon, February 23, 2007, sa isang lugar sa Quezon City, sinabi ni Hope na wala nang dahilan pa para itago ang kanyang mukha dahil hinusgahan na siya ng mga tao kahit hindi pa naririnig ang panig niya.



HOPE APOLOGIZES TO KRIS. Aminado si Hope sa kanyang nagawang pagkakamali, "Humihingi ako ng sorry kay Kris dahil nagkamali ako. Mapatawad at maintindihan sana niya ako dahil nagdaan siya sa ganitong sitwasyon. Buntis din noon ang dating girlfriend ni James nang magkaroon sila ng relasyon."

Hindi tinukoy ni Hope ang pangalan ng sinasabi niyang ex-girlfriend ni James, na nabuntis diumano ng basketbolista.



Matindi ang panginginig ng kamay ni Hope habang nagsasalita at hindi niya mapigilang mapaluha nang sabihin niya na hindi siya "pokpok." Kung may kasalanan man daw siya, ito ay ang umibig sa isang lalaking may asawa.



JAMES CONFIDED IN HOPE. Sinabi pa ni Hope na palaging nagkukuwento raw noon si James sa kanya tungkol sa madalas na pag-aaway nila ni Kris. Ang dahilan diumano ng nasabing pag-aaway ay ang pagbibigay ang TV host-actress ng regalo sa ibang lalake. Hindi raw niya inalam kay James ang identity ng lalake dahil nakikinig lamang siya sa tuwing nagsusumbong sa kanya ang asawa ni Kris.



Nang tanungin siya kung ano ang pinaka-memorable na ginawa sa kanya ni James, matagal munang nag-isip ito at saka sinabing, "When we make love."



HOPE WAS TERMINATED BY BELO? Tungkol naman sa pagpapatalsik ng Belo Medical Group sa kanya, masamang-masama ang loob ni Hope sa ilan sa mga dating kasamahan niya sa trabaho. "Bumaligtad" daw ang mga kaibigan niya na diumano'y "nagbugaw" sa kanya kay James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Natanggal po ako sa trabaho dahil nalaman ng management na may relasyon kami ni James. Siguro po, natakot na mawalan ng trabaho sina [pangalan ng kaibigan ni Hope] kaya bumaligtad sila."

Ang kampo naman ng Belo Medical Group ay nagpalabas kagabi, February 23, 2007, ng kanilang opisyal na pahayag. Sa taped interview ng TV Patrol World sa abogado ng kompanya na si Atty. Raymond Fortun: "Belo Medical group is further conducting an investigation on information that these rumors are from the dirty handy work of third parties or disgruntled former Belo Medical Group employee [Hope]."

Ayon pa kay Fortun, totoo raw na naging empleyado ng Belo Medical Group si Hope pero imposible ang alegasyon ng dalaga na naganap ang sexual acts nila ni James sa loob ng Belo clinic.

Paliwanag ng abogado ni Dr. Vicki Belo, "'Yong pong mga lugar na iyan sinasarado ito sa tamang oras. Once that everybody is out, nila-lock po 'yan at meron pong mga security guards at security personnel."

Idinagdag pa niya na gumagawa lang daw ng kuwento si Hope, "The employee [Hope], prior to her resignation from the company, had in fact denied that such a relationship existed."


HOPE SEEKS FORGIVENESS. Sa ginawang paglantad ni Hope, humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang dahil sa kahihiyan na ibinigay niya sa pamilya. Pang-unawa at kapatawaran din ang hinihingi niya sa publiko na nanghusga sa kanya.

"Masuwerte po sina Kris at James dahil nakasisiguro na sila sa buhay," sabi ni Hope. "Ako po, hindi ko alam kung may kinabukasan pa ako sa ginawa kong pagsasalita at pagpapakita ng mukha sa telebisyon."



Nang tanungin si Hope kung minahal ba siya ni James, mabilis niyang isinagot na: "Naramdaman ko pa na minahal niya ako."


At kung naging maligaya nga ba si James sa piling ni Kris, ang kasagutan ni Hope at ang buong detalye ng interview ay mapapanood sa S-Files bukas, February 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN