"Gusto kong linisin ang pangalan ko."--Hope Centeno

IMAGE 0


Hope Centeno admits she's not sure if she's pregnant with James Yap's child, but if ever she is, she says with conviction: "Papalakihin ko po siya kahit wala siyang ama. Mamahalin ko siya. Itutuloy ko, hindi ko ipapalaglag."


Ang inaabangang pagpapakita ng mukha ni Hope Centeno, ang babaeng diumano ay "third party" sa relasyong Kris Aquino at James Yap, ay naganap kahapon—February 25, 2007—sa GMA-7 showbiz talk show na S-Files.

Nagdesisyon si Hope na lumantad na sa publiko nang buong-buo upang linisin ang kanyang pangalan. "Lumantad na po ako. Gusto kong linisin ang pangalan ko. Gusto kong ipaliwanag sa mga tao na biktima din po ako. Na-in love ako kay James," aniya.

HOPE AND JAMES. Ang 28-year old na si Hope at ang 25-year old na cager ay nagkakilala raw sa Belo Medical Clinic. Dito rin daw "niligawan" ni James si Hope.

At nang hingin ang detalye tungkol sa diumano'y panliligaw sa kanya ng basketbolista, inihayag ni Hope na, "lagi siyang nagte-text," "lagi siyang tumatawag," at "lagi siyang nagpupunta sa dating pinagtatrabahuan." Dagdag pa rito ay "nagbibigay ng chocolate, flowers" daw ang basketbolista sa kanya.

Nang tanungin naman kung ano ang nagustuhan ng dating Belo receptionist kay James, sinabi niyang ang pagiging "malambing" daw ng lalaki.

Isinalaysay din ni Hope ang mga naikuwento sa kanya ni James tungkol sa madalas raw na pag-aaway nila ng asawa nitong si Kris.

Aniya, "Everytime na nag-aaway sila ni Kris, tumatawag siya sa akin. Sinasabi niya na ‘nag-away na naman kami.' Sabi niya ‘pag nag-aaway daw sila, nagbe-break sila."

Ibinunyag pa ni Hope na base sa mga text daw sa kanya ni James, ay hindi na raw ito gaanong masaya sa piling ng sikat na TV host. "Hindi po 100% na maligaya siya. Nung time na ‘yun, nagte-text siya sa akin, tumatawag, sinasabi niya mga problema. Naaawa ako sa kanya, kasi yung mga kuwento niya na lagi silang nag-aaway," ayon pa sa kanya.

Sa madalas daw na pagsusumbong sa kanya ni James, nahulog nang husto ang kalooban ng dalaga sa asawa ni Kris. Inamin ni Hope na, "Tumagal-tagal na-in love ako sa kanya. Ang pagkakaalam ko, kung masaya ka sa isang babae, hindi ka maghahanap ng iba. Kasi ako, nakikinig lang ako ng gusto niyang ikwento sa akin. Narinig ko lang po sa The Buzz na sinabi ni Kris na kasal na sila. Nasaktan talaga ako dahil mahal ko na siya nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagtanong kay James ng kahit na ano. Wala po siyang sinabi. Sabi niya, mula nung kinasal siya, ‘di na daw siya nakakalabas. ‘Di na siya nakakapunta kung saan-saan, na kasama niya mga barkada niya."

At sa kanilang diumano'y sampung buwang relasyon, naramdaman daw ni Hope na minahal din siya ni James.

HOPE AND KRIS. Isang araw matapos lumantad si Hope, isinugod sa ospital si Kris Aquino. Nagkaroon daw ng komplikasyon ang kanyang pagbubuntis.

Nabahala ang malalapit na kaibigan ng sikat ng anak ng dating Pangulong Cory Aquino, at nagsalita ukol sa isyu ang co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda, "Ang importante diyan, sa usaping ito, walang kasalanan si Kris kay Hope. At inuulit ko 'yan, walang kasalanan si Kris kay Hope. Wala siyang ginawang masama, wala siyang atraso... Wala siyang masamang sinabi, ginawa, ni hindi ako sigurado kung kilala ni Kris si Hope."

Ang sagot dito ni Hope, "Gusto ko lang pong magsalita tungkol sa sinabi ni Mr. Boy Abunda na walang kasalanan sa akin si Kris, opo, wala po siyang kasalanan sa akin. Kaya nga, ako po yung humihingi ng patawad sa kanya dahil nasaktan ko siya. Pero, hindi ko po yun sinasadya."

Aminado raw siya sa nagawa niyang pagkakamali at pinagsisihan niya ito. At ang mensahe niya sa asawa ni James Yap, "Nagso-sorry po ako. Humihingi po ako ng pang-unawa. Alam ko nararamdaman mo rin yung nararamdaman ko. Nangyari din sa iyo nun ang nangyayari sa akin. Kung mas may nasasaktan ngayon, nawalan ng kredibilidad, ako po yun."

Nang usisain kung ano ang ibig niyang sabihin sa "Nangyari din sa iyo nun ang nangyari sa akin," ipinaliwanag ni Hope na, "Nung kay Ms. Alma [Moreno] 'tsaka Sir Joey [Marquez], sila pa rin naman nun, di ba? Tapos yung girlfriend ni James, buntis na nun, tsaka naging sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong January 15 daw sila huling nagkita ni James, at ang gusto sana ni Hope na ginawa ni James ay, "Sana man lang, tinawagan man lang niya sana ako. Meron daw po kasing nagsumbong. Kasi mga buong officemates ko, alam na lahat. Kaya po ako natanggal dahil alam na ng management."

HOPE AND FORMER CO-WORKERS. Masamang-masama ang loob ni Hope sa kanyang mga dating ka-trabaho, na itinuring pa man din niyang kaibigan, dahil "bumaliktad" daw ang mga ito.

Ang tinutukoy ni Hope ay ang facialist na si Elise Estrada-Pescones at ang scrubber na si Mitos dela Cruz.

Nabanggit ni Mitos na lahat ng alegasyon ni Hope ukol sa pagtatagpo nila ni James sa isa sa mga cubicles ay "napaka-impossible."

Si Elise naman ay nagpahayag na "baka na-misterpret" lang ni Hope ang kabaitang ipinakita sa kanya ni James.

Pinabulaanan ang lahat nang ito ni Hope, "Hindi po totoo yun. Sila ang unang nagpakilala sa akin kay James. Si Elise nga, siya daw ang nagkalat sa ABS at sa GMA-7 na kami ni James—kung anong oras ako pumapasok sa room, anong oras pumupunta si James. Binabaligtad nila ako, siyempre, ayaw nilang mawalan ng trabaho. Hindi ko ini-ilusyon si James. May nangyari po.

"Ngayon, binabaligtad nila ako. Si Mitos, alam din niya. Si Mitos siya ang scrubber ni James. Sana kung tunay ko silang kaibigan, sana hindi na lang sila nagsalita, kaso trinaydor nila ako, e."

At sa opisyal na pahayag ng kumpanya ukol sa isyu, sinabi ni Atty. Raymond Fortun na gawa-gawa lang daw ni Hope ang mga sinasabi niya. "Belo Medical group is further conducting an investigation on information that these rumors are from the dirty handy work of third parties or disgruntled former Belo Medical Group employee [Hope]."

The lawyer also said, "The employee [Hope], prior to her resignation from the company, had in fact denied that such a relationship existed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HOPE AND HER FAMILY. Sa ingay at gulo na kaakibat ng kontrobersiyang ito ay apektado rin ang pamilya ni Hope.

Sabi niya, "Nung una po, galit na galit talaga sila. Pinalaki nila ako nang maayos. Pinag-aral ako."

At sa lahat ng mga negatibong bagay na ipinupukol sa kanya, nais humingi ng tawad ni Hope sa kanyang mga magulang, "Gusto ko pong humingi ng tawad at pang-uunawa po sa magulang ko."

HOPE AND THE PUBLIC. At sa mga pagkakamaling nagawa ni Hope, hangad niya na huwag sana siyang husgahan ng publiko.

Ayon pa sa kanya, "Sa kanila, sigurado na sila sa future nila. Kris Aquino ‘yan, e, ‘tsaka James Yap. Ako, ‘di ko alam kung ano mangyayari sa future ko. Gusto ko lang ngayon, malinis lang pangalan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN