Diether Ocampo denies having a confrontation with Gladys Reyes

IMAGE 0


Contrary to Glayds Reyes's story, Diether Ocampo claims that no confrontation happened during the taping of Boy Abunda's Homeboy.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether last Sunday, February 4, sa dressing room ng ABS-CBN during the live presentation of ASAP '07. Hiningan siya ng reaksiyon tungkol sa balitangpagtataray diumano ni Gladys Reyes sa kanya at kay Kristine nang minsangmagkasabay silang mag-guest sa taping ng Homeboy ni Boy Abunda.

Ayon kasi sa kuwento ni Gladys, na lumabas din ngayong araw sa PEP, ay1 p.m. ang call time para sa taping, pero 2:30 p.m. na dumating sinaDiether at Kristine.

Itinanggi ni Diether na may ganitong insidente na nangyari sa kanila ni Gladys.

"Walang ganung nangyari. Saan nanggaling ang balitang ‘yan? Bakit di n'yo tanungin si Gladys?" nagtatakang sagot ni Diether.

Dagdagpa niya, "Sabay-sabay kaming bini-briefing saka nagkausap pa kami nun.Kinumusta ko ang anak nila ni Christopher [Roxas, mister ni Gladys]kasi ang gwapo-gwapo."

Samantala, iginiit ni Diether na nasa "assessment stage" pa rin ang relasyon nila ni Kristine Hermosa.

"Na-realize namin na we have to let each other grow," sabi ni Diether. "Ayaw naman namin siyempreng maging hadlang sa isa't isa.

"We're okay. Actually, ibang level ito. Nanliligaw ako ulit sa kanya. Ako naman, never na nagkulang kay Kristine," pagtatapos niya.



Nag-story conference na ang Palimos ng Pag-ibig, angbagong miniseries na sisimulan ng ABS-CBN kung saan tampok sina Diether, Kristine, at Rica Peralejo. Ang nasabing ABS-CBNminiseries ay remake ng 1985 movie of the same title na ginawa ngViva Films.

Sa film version ay mga bida sina VilmaSantos, Edu Manzano, at Dina Bonnevie. Tungkol ito sa isang mag-asawa (Vilmaat Edu) na hindi magkaanak dahil baog ang babae kung kaya't nag-hiresila ng babymaker (Dina).

Sa bagong version, sina Diether at Rica anggaganap na mag-asawa at si Kristine naman ang babymaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Excited ako!" masayang sabi ng aktor. "Maganda yung project.Nakaka-pressure lang, kasi successful talaga yung original. Pero the more nainspired ako, dahil siyempre ang gagaling ng mga artistang makakasama koat unang gumawa nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN