Gretchen and Dawn snub each other at the YES! anniversary party

IMAGE 0


Gretchen Barretto (left) and Dawn Zulueta both attended YES! magazine's 7th anniversary and PEP's grand launch last night, February 28, but ignored each other's presence.


Walang naganap na pagbabati sa pagitan nina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta kagabi, February 28, nang pareho silang dumalo sa 7th anniversary party ng YES! magazine at launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa NBC Tent, The Fort.



Naunang dumating sa party si Dawn, na agad sinamahan ng YES! at PEP Editor in Chief na si Jo-Ann Maglipon sa mesa nito. Sa table number 1 inilagay si Dawn at sinadya nina Jo-Ann at Anna Pingol (YES! associate editor) na huwag paglapitin ang mga mesa nina Dawn at Gretchen, na hanggang ngayon ay meron pa ring iringan.

Nag-ugat ang alitan ng dalawa sa pictorial para sa isang shampoo brand at ng Preview magazine late last year.



Kasamang dumating ni Gretchen ang close friend at co-Pantene girl na si Ruffa Gutierrez-Bektas at saka si Joyce Jimenez. As usual ay palaging magkatabi at halos hindi naghihiwalay ang bosom buddies na sina Gretchen at Ruffa.



Nang tanungin namin si Ruffa kung nakita na ba niya si Dawn, nakangiting sagot nito: "Nandiyan ba siya?"

Malamang may nakapagsabi naman kay Gretchen na nandu'n na sa party si Dawn kaya napansin namin na medyo conscious ito, pero patay-malisya pa rin.

Palaging pinagkukumpulan ng mga TV crew na naroon sina Gretchen at Ruffa, at ready naman palaging magpa-interview ang dalawa. Sabi ni Ruffa, she's very friendly to everybody at okay lang sa kanya na lapitan si Dawn para batiin.

"Sige, I'll say hi to Dawn," natatawang dayalog ni Ruffa, na tila pinagri-react si Gretchen na nasa tabi niya.

"Sige, I dare you!" nakangiting hirit naman ni Gretchen.

Obviously ay walang balak makipag-ayos at makipagbeso-beso ni Gretchen kay Dawn. Nang matanong siya kung posible bang maganap ang pagbabati nila that night, ang buong-ningning na sagot niya na very Greta: "According to my Valentino gown, it's not gonna happen!"

Kung Valentino ang suot ni Gretchen, Randy Ortiz naman ang blue gown na suot ni Ruffa, na aniya ay parran ng kanyang pagsuporta sa ating local fashion designers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumutugtog na ang bandang Juan Pablo Dream—isa sa tatlong banda na nag-perform nung gabing ‘yon—habang iniinterbyu si Greta kaya halos hindi namin marinig ang mga sinasabi nito dahil sa lakas ng music.

Ayon sa pagkakaunawa namin, ang explanation niya ay gumawa na siya noon ng move para maayos ang anumang samaan nila ng loob ni Dawn, pero nagkamali raw siya kaya ayaw na niyang maulit pa ‘yon.

"Tama na yung minsan lang, 'di ba? ‘Pag inulit mo pa, e, parang eng-eng ka na nun! At saka ayokong makatanggap ulit ng kung anu-anong e-mails, kaya huwag na lang! Basta ako, I'm happy and I'm true. Masaya ako sa buhay ko at totoo lang ako!" bulalas ni Gretchen.

Paano kung gusto na palang makipagbati sa kanya ni Dawn?

"She doesn't like!" mabilis at kaswal na sagot ni Greta, na parang siguradung-sigurado na may galit pa sa kanya si Dawn.

Hindi kalayuan ang table ni Dawn sa table nina Gretchen, pero halatang nag-iiwasan silang magkatinginan at mas okay na sa kanilang magdeadmahan na lang. Walang nag-effort na lumapit para bumati at makipag-besohan mula sa magkabilang mesa.

Naunang umalis sa party si Dawn at tugma sa sinabi ni Gretchen, walang naganap na pagbabati nung gabing ‘yon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN