Boy Abunda to Hope: "Pag-isipan mo ang ginagawa mo."

IMAGE 0


"I have no right to judge her. Wala akong karapatan. She must have a story on her own, of her own, at wala akong ano doon. Ang sinasabi ko lang, sa paglabas mo sa telebisyon na karapatan mo, meron kang isang buhay na naapektuhan. Yun lang," says Boy Abunda about Hope Centeno's allegation that she had an affair with Kris Aquino's husband, James Yap.


Nagsalita na ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda kaugnay ng pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kontrobersiya sa pagitan ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap, dahil sa paglantad ni Hope Centeno, ang babaeng nagke-claim na nakarelasyon diumano niya ang Philippine Basketball Association (PBA) cager.



Nung una ay umiiwas hangga't maaari si Boy na magbigay ng anumang pahayag nang pumutok ang isyu. Pero pagkatapos ng mga binitiwan niyang pahayag sa The Buzz noong Linggo, February 25, ay marami ang kumuwestiyon sa opinion niya tungkol sa beauty clinic receptionist na nauugnay kay James.



KRIS & HOPE. Hindi naman lingid sa lahat na si Boy ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Kris. Ito ang dahilan kung kaya may nagsasabing sobrang biased si Boy kay Kris nang magsalita siya sa The Buzz.



"Wala akong sinabi kay Hope na masama," panimulang pahayag ni Boy. "Ang sinabi ko lamang sa kanya, una, nung napanood ko ang interview niya sa Startalk... 'Yeah, nagkita kami niyan [Hope] once or twice kasi nagpupunta rin naman ako kay Vicki [Belo].'

"Ang sinabi ko lang, napaka-klaro ng statement niya nung sinabi niya na ‘Alam ko ang pinasukan ko. Alam ko ang consequences ng ginawa ko.' Bahagi ng consequences ng kanyang ginawa ay pag-usapan, husgahan, nandun na yun, e. Gumawa ng haka-haka, bulung-bulungan. So what are you complaining? Kasi alam mo ang ginawa mo. Yun lang naman."



"I have no right to judge her. Wala akong karapatan. She must have a story on her own, of her own, at wala akong ano doon. Ang sinasabi ko lang, sa paglabas mo sa telebisyon na karapatan mo, meron kang isang buhay na naapektuhan. Yun lang. But as to whether she has the right to do what she did, meron. Hanggang ngayon, hindi ko panghihimasukan yun. The decision to come out on television is hers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I saw the Manay Lolit [Solis] interview. First, ‘I am not pregnant,' towards the end of the interview, ‘Hindi ako sigurado kung pregnant ako.' Mga tanong lang yun...Pangalawa, may nakapagsabi sa akin doon sa [Belo] clinic na off naman talaga siya [Hope] ‘pag Monday. Nagpalipat siya ng Monday. Pero who am I to question that? Hanggang six o'clock lang ang trabaho niya, James would normally come after six. Pero given that, wala pa rin akong...hayaan na.

"Ang pinakamalakas kong point ay pag-isipan mo ang ginagawa mo kasi, oo, there's an unborn child. Pero meron pa siyang, ‘Kris naiintindihan mo ‘to kasi pinagdaanan mo ‘to kay Alma [Moreno].'

"Eto lang ang mensahe ko kay Hope... I never said this, but I'll say it now. Hindi ko sinabi ‘to sa The Buzz kasi nahihiya ako na sobrang nakikialam. I was the one who did the interview with Ness [palayaw ni Alma] when she declared na 'ayoko na.' Alas-kuwatro ng madaling-araw sa Ayala, Alabang, ako ang nag-interview kay Ness.

"Kung interesado si Hope, tingnan niya ang timeline. In fairness to Kris, Kris is far from being perfect. Pero hindi pumasok si Kris sa buhay ni Joey [Marquez] nung nariyan pa si Ness. Pangalawa, walang masyadong alam si Hope sa kuwento ni Ness at si Joey. Nariyan si Joey, let Joey talk.



"At ang pang-apat kong point, huwag na nating isali ang mga nananahimik. Magkakaibigan na. You know, when you talk about Ness and Joey, may dalawa ka namang taong pinapasok sa usapan. Huwag na. Tapos na. Magkakaibigan na ang lahat.

"Pero kung gusto mong i-discuss ‘yan, I did the interview with Ness. Alamin mo ang timeline kung kelan nag-interbyuhan sina Kris at Joey. Ano ba ang alam natin sa buhay nina Ness at Joey?" mahaba niyang paliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JAMES.
Pabor naman si Kuya Boy sa sinasabi ni Kris na "space" sa kanila ni James. Aniya pa, kahit daw sila ni Kris na magkaibigan ay naglalagay rin ng space as much as possible.



"Ako, ang worry ko lang sa gitna ng lahat ng ito, may isang unborn child," sabi niya. "Ako, yun lang ang concern ko. Parati kong sinasabi if Kris is okay and if she were not pregnant, go to town. Maglaban kayo. But you know there is an unborn child that is in the middle of the story. There is an unborn child being unjustly affected."



Galit ba si Boy kay James?



"Ang hirap sagutin ‘yan. Pero ganito ang sasabihin ko—tampo siguro. Hindi galit, e. Galit is a very strong word. Ano naman ang karapatan kong magalit? Hindi naman kami ang ikinasal," paliwanag niya.



Kahit nag-sorry na si James kay Kris?



"Hindi pa kasi buo ang kasagutan," ani Boy. "Ako yung tanong ko lang, na merong isang babae allegedly stalking you, bakit ka pabalik-balik ng sampung buwan? Yun lang."

Dagdag pa niya, "Ang dahilan naman kaya ako nagtatanong ng ganun, bilang kaibigan. Pero pwede pa rin nila akong iitsapwera, kasi kaibigan lang naman ako sa gilid. Wala akong masyadong karapatan na makialam."

May duda ba siya kay James?

"May pagdududa pa ako sa kanya in spite of his denials? Oo," diretsong sagot ni Kuya Boy.

KRIS VS. CRISTY. Isa pang isyu kung saan nalalagay sa gitna si Boy ay ang gap na namamagitan sa mga kaibigan niya at co-hosts sa The Buzz na sina Kris at Cristy Fermin.

"Ayokong makialam," pag-iwas niya. "Alam mo, kahapon kinausap nila ako. Ayaw kong magsabi kung sino. Sabi ko, ayokong makialam, pareho kong kaibigan. Naalala ninyo yung first statement ko na sabi ko, 'Huwag muna nating isali dito ang usapang Cristenelli at Kris'?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa ilalim nito, at the bottom of this discussion, is love and respect. Hindi surprising sa akin na nagkaka-diperensiya sina Cristy at Kris, e. I mean, with two very strong personalities, with two very strong opinions... Hindi naman ‘yan ang unang pagkakataon, e, at nagkakaayos ang dalawa.

"Ayokong manggatong at sasabihin ko, ‘Ay, nag-aaway.' Hindi, gusto ko magkasundo. Ayoko silang mag-away. Kung anuman ang kanilang diperensiya, ayokong kumampi. Gusto ko silang magkabati," sabi pa ni Boy.

Affected ba siya sa tampuhan nina Kris at Cristy?

"Hindi!" mabilis niyang tugon. "Sa dami ba naman ng mga taong nag-away sa gitna ko, ang sinasabi ko lamang sana ay magkaayos kayo at naniniwala ako magkakaayos ‘yan, di ba?

"What do people expect me to say? Para pa-grabihin yung usapan? Ayoko. At alam ko yung dalawang kaibigan kong ‘yan, they are not the type of people who would say, ‘Boy, nasaan ka? Nasaan ako?' Pareho ko kayong kaibigan.

"Ang pagpili is not about friendship. Kahit kailanman hindi ako pinapipili ng nanay at tatay ko," diin ni Kuya Boy bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN