Dawn says reconciliation with Gretchen "will take some time"

IMAGE 0


Dawn Zulueta and Gretchen Barretto ignore each other's presence at YES! magazine's 7th anniversary and PEP's grand launch.



Full-time housewife ang drama ni Dawn Zulueta habang wala pa siyang bagong TV assignment ngayon. Madalas din daw sila sa Davao at lagi niyang dinadala sa farm nila roon ang anak niyang si Jacobo. At habang magkasama sila ni Jacobo sa farm, yun na rin ang nagiging recreation ni Dawn kapag nasa Davao sila.



Mahigit isang taon na si Jacobo. Kailan lang nung hirap na hirap si Dawn na ipinagbubuntis ang firstborn nila ni Anton Lagdameo. Kaya ngayong medyo malaki na si Jacobo, gusto na ulit nina Dawn at Anton na sundan ang kanilang panganay.



"Hopefully, I will be blessed and be successful in getting pregnant again. Let's see. This guy [Jacobo] took so long, so I hope," asam ni Dawn.



Pero kahit busy siya sa pag-aalaga kay Jacobo, in touch pa rin daw si Dawn sa mga intriga sa showbiz. Nanonood daw kasi siya ng mga showbiz talk shows kaya updated siya sa issues. E, updated din kaya siya sa mga away ngayon ng dati niyang nakabangga sa intriga na si Gretchen Barretto?



"Hay, naku, hindi ako updated doon! Pinipili ko yung mga gusto kong news. Ignore na lang," nakangiting sabi ni Dawn.



Aminado si Dawn na natabunan na ang anumang gusot na meron sila ni Gretchen before. But when asked kung ready na ba siya para makipagbati kay Gretchen, ito ang sagot ni Dawn: "It will take some time siguro. Marami pa sigurong kailangang pag-usapan, pag-isipan. Tingnan na lang natin."

Sa nakaraang 7th anniversary ng YES! magazine at grand launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 28 ay dumating pareho sina Dawn at Gretchen, pero iniwasan nila ang isa't isa.



Samantala, wala mang TV show ngayon si Dawn, magiging super busy naman siya sa pangangampanya para sa kanyang asawa na tatakbo bilang congressman sa Davao del Norte. Dawn will try her best daw to be a good politician's wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, it seems definite pero siyempre, hinihintay ko talaga yung pumunta siya [Anton] sa Comelec at mag-file siya [ng candidacy] as a congressman sa Davao del Norte," banggit ni Dawn.



Si Dawn ba ay walang balak sumabak sa pulitika gaya ng ibang mga artistang tumatakbo, katulad ng leading man niya noon na si Richard Gomez?



"Wala akong hilig sa politics," sabi niya. "Kung pwede nga sana, hindi na pumasok sa politics ang asawa ko. Pero siyempre, duty rin naman kaya I understand also. Alam ko naman na maganda rin naman ang plano niya. Pero kung ako lang talaga ang papipiliin, siyempre hindi ko rin talaga gusto ang mundo ng pulitika. Magulo na ang showbiz, 'di ba?"



Speaking of Richard, ano ang masasabi ni Dawn sa pagtakbo nito bilang senador at sa iba pang kapwa niya artista na tatakbo ngayong eleksiyon?



"I don't know, it's up to him. Lahat naman ng mga kapwa ko artista na tumatakabo, of course, my support is with them," sabi ni Dawn.

"Okay lang na tumakbo sila. Lahat naman sila, I'm sure maganda ang kanilang intentions. So tingnan natin, it's always good din naman na pinag-aaralan din natin," lahad ni Dawn bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN