John Estrada, willing to work with Jericho Rosales and Heart Evangelista

IMAGE 0


John Estrada is glad that he and Jericho Rosales have patched things up. He says, "Through time naman, everything heals."


Natutuwa ang aktor na si John Estrada sapagkat sa wakas ay natapos na rin ang hindi pagkakaunawaan nila ni Jericho Rosales.

Matatandaang muntik nang magkasuntukan ang dalawang aktor noong Hunyo 29, 2006, sa celebrity premiere ng Superman Returns sa IMAX Theater, SM Mall of Asia.

Nilapitan ni Echo, ang palayaw ng aktor sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz, si John dahil sa isyung tinangka diumanong "i-take home" ni John ang kasintahan ng una na si Heart Evangelista mula sa isang party.

Agad naman itong itinanggi ni John sa mga interview niya matapos maganap ang naturang insidente.

At sa anibersaryo ng YES! magazine at launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 28, natuldukan na ang hidwaang ito.

"Sa YES! magazine 'yon nangyari. Magkaharap kami ng table, so 'yon nagkatinginan kami, kumaway siya [Heart], kumaway ako. Sila [Heart at Jericho] 'yong lumapit so magandang gesture naman 'yon," pahayag ni John sa interview sa kanya ng press sa Omega Cup na naganap sa Wack Wack Golf Course noong Marso 2.

Dagdag pa ng aktor, "Sabi ko nga, e, sa liit ng industriya natin, that's the least na kailangan natin, 'yong may kaaway."

Nang tanungin kung may paliwanagan bang nangyari sa pagbabati nila, ang naging pahayag ni John ay, "Through time naman, everything heals. Wala naman siyang [Heart] dapat ipaliwanag, at si Echo, kahit na ako. You know, nagyakapan kami, so'yon na 'yon. Alam na namin 'yon."

Maaring misinformation at misunderstanding lamang diumano ang nangyari sa kanila ni Echo.

At ngayong ayos na ang lahat sa kanila, papayag na kaya si John na gumawa ng soap opera kasama sina Heart at Echo? "Ayos, lang. Oo naman, I love to work with them," sagot ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN