Monsour del Rosario talks about his alleged rift with Cesar Montano

IMAGE 0


Monsour del Rosario's name was included in the cast list of Ligalig, entry of the CM Films to the Metro Manila Film Festival last Year. The martial arts instructor says however that he didn't have anything to do with the movie. To date, he still has to iron things out with the movie's producer/ director/actor Cesar Montano. He said, "We just have to iron out some things that friends go through when they have misunderstanding. Cesar is a good frie


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Monsour del Rosario ukol sa diumano'y hidwaan sa pagitan nila ni Cesar Montano. Hindi na siya tinantanan ng entertainment press nang namataan siya sa naganap na Omega Cup sa Wack Wack Golf Course noong Marso 2.

Ayon kay Monsour, ang sinasabing problema ay nagsimula noong panahon ng Metro Manila Film Festival 2006. Matatandaang nagkaroon ng film entry—ang Ligalig—ang CM Films ni Cesar Montano.

Pagpapatuloy ni Monsour, "It's a misunderstanding that needs to be clarified. See, my name was used as executive producer without my knowledge. I wasn't aware that my name, parang it was a misrepresentation of my name. They didn't ask my permission to use my name.

"So doon medyo sumama ang loob ko, bakit nilagay dun na wala naman akong involvement sa movie [Ligalig], so that's really wrong. I don't care how you look at it. There's no written document that my name was allowed to use there."

Ipinaliwanag ng aktor na inalok siya ng isang role ni Cesar para sa Ligalig, but the martial arts instructor "didn't like the role."

Ang katuwiran ni Monsour tungkol sa pagtanggi niya sa offer ni Cesar ay, "Hindi 'yong role ng Monsour del Rosario na karaniwan ninyong nakikita. It's a role for a beginner, I guess. For someone who's trying to make a name, hindi kami nagkaintindihan, e."

Hindi rin daw totoo na hindi niya sinabihan ang kampo ni Cesar ukol sa kanyang naging desisyon. "I tried to call them, but they didn't pick up my calls. I talked to their right hand man, I talked to their assistant director, I talked to their staff. I'd like to talk to them personally but they weren't taking my calls back. I couldn't get in touch with them, they were not taking my calls."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, ayaw na sana ni Monsour na lumaki ang isyu. Sa katunayan, pinili na lamang niyang manahimik nang panahong iyon, at binalak na kausapin nang personal si Cesar.

Pahayag ni Monsour, "Kasi film fest 'yon, ayaw kong magsalita noong film fest. Gusto kong magsalita or mag-usap kami after ng film fest para walang intrigang mangyayari."

Dagdag pa niya, "We just have to iron out some things that friends go through when they have misunderstanding. Cesar is a good friend of mine. We just need some clarification."

Nang tanungin kung mayroon siyang sama ng loob sa asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz, na nagpakita ng galit sa kanya noong lumabas ang isyung ito, nasabi ni Monsour na, "I have no problem with her. She's not the one that I had misunderstanding with. She's nothing to do with this."

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagkakausap sina Monsour at Cesar. Subalit hindi inaalis ni Monsour sa isipan ang posibilidad na magkausap silang dalawa. Para sa kanya, "Mag-uusap din kami niyan, maliit lang ang mundo."

Sa ngayon, kasalakuyang pinag-iisipan ni Monsour kung tatakbo siya bilang konsehal sa unang distrito ng Makati sa darating na halalan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN