Are Mylene Dizon and Paolo Paraiso together again?

IMAGE 0


Mylene Dizon and Paolo Paraiso denies that their separation is just a gimmick. Mylene says, "Ka-cheap-an ang gumigimik."


Maraming nagtanong kung nagkabalikan na nga ba ang former couple na sina Mylene Dizon at Paolo Paraiso dahil dalawang beses silang namataan na magksama sa magkaibang event.

Una ay sa anniversary party ng YES! magazine at grand launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na naganap noong February 28, 2007, sa NBC, The Fort. Sabay dumating sina Mylene at Paolo na magka-holding hands pa.

Pangalawa ay sa Omega Cup event na nagyari sa Wack Wack Golf Course noong March 2. Kapansin-pansin ang mga malambing na kilos na ipinakita ng dalawa. Dito nagbigay ng pahayag ang aktres.

"We're just very good friends talaga. 'Tsaka wala naman kami talagang choice dahil mayroon kaming anak. Alangan naman na sa harap ni Tomas, e, mag-sweet-sweet-an kami ‘tapos kapag wala si Tomas naggagalit-galitan kami," paliwanag ni Mylene sa harap ng entertainment press.

Dagdag pa niya, "Mahirap maging consistent sa ganung set-up. Mabuti na 'yong maayos na lang. Siguro this is our shout out to the world that life can be easy and peaceful."

Para kay Mylene, mas madali na ang kanilang sitwasyon ngayon kaysa noong sila pa ni Paolo. Aniya, "Okay na 'to wala na nga kaming away, e. Halos 'di nga kami nag-aaway ngayon, e. Dati nag-aaway kami, laging may arguments, but now it's so much easier."

Kung mayroon man diumanong mahirap sa kanilang relasyon, ayon kay Mylene, ito ay ang pakikipag-date muli.

"Kung ang pagmo-move on ay ilalagay natin sa pagde-date ulit, it is harder because hindi na katulad ng dati na makasarili lang, na ako lang ang iniisip ko. Ngayon kailangan kong isipin si Paolo at si Tomas, kung anong mararamdaman nila if I start dating again. So hindi siya ganun kadali as before," pahayag ni Mylene.

Samantala, pinabulaanan naman nila ang mga haka-hakang gimik lang ang diumano'y paghihiwalay nila. Pahayag ni Mylene, "It's not. Come on, may anak kami, at importante sa amin kung anuman ang naririnig at nababalitaan ng kamag-anak namin. Hindi kami showbiz na tao para makipag-plastikan o gumawa ng kwento-kwento para lang mapag-usapan. That's not our style, it's never been our style. Hindi kami ganoong klase."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Paolo, hindi rin niya makakaya na magpanggap lamang sa tunay na sitwasyon nila. Paliwanag ng aktor, "I think hindi, kasi kapag tinatanong ako meron pa akong urge na maging honest. Wala sa pagkatao ko ang gumimik."

Gayunman, sa kabila ng paghihiwalay nila ni Mylene, inaako pa rin ni Paolo ang lahat ng responsibilidad bilang isang ama para sa kanilang anak na si Tomas. Patuloy pa rin daw ang kanyang pagsuporta sa mga pangangailangan ng kanilang baby.

Nang tanungin kung may posibilidad pa bang magkabalikan silang dalawa, ang naging sagot ni Mylene, "Open na magkabalikan kami. But we're okay. We're better now than we were together, so mas pipiliin ko muna [ang ganitong set-up]."

At ang mensahe ng aktres sa mga nag-iisip na gimik lamang ang lahat: "Think what you want na kahit ano, kahit kanino. At saka ka-cheap-an ang gumigimik, at tapos na ang Gimik days, 1996 pa 'yon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN