Rufa Mae suspects Rudy Hatfield of spreading rumors about himself and Ara

IMAGE 0


"May kanya-kanya na kaming mga buhay, di ba? Tahimik na nga ang lahat, e. Bakit pa siya nagpapapansin ng ganyan? Please lang, huwag na niyang gamitin si Ara kasi hindi niya masisira ang friendship naming dalawa," says Rufa Mae Quinto about Rudy Hatfield.


Hindi nagugustuhan ni Rufa Mae Quinto ang pagkaka-link ng kanyang ex-boyfriend na si Rudy Hatfield sa kanyang kaibigan na si Ara Mina. Hindi kay Ara galit si Rufa Mae kundi kay Rudy dahil pakiramdam niya ay ang ex-boyfriend niya mismo ang nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Ara.



May nagparating daw kay Rufa Mae na nanood si Hatfield ng concert ni Ara na Loving Ara sa Araneta Coliseum noong February 3. Pinagkalat pa raw ni Rudy na concert lang daw ni Ara ang pinanonood niya dahil gusto niya diumanong maging close sa sexy actress, at hindi raw niya panonoorin ang concert ni Rufa Mae kasama ang bagong boyfriend nitong si Erik Santos.



"Ano ang gusto niyang mangyari ngayon, 'di ba? Pag-awayin kami ni Ara?" medyo naiiritang sabi ni Rufa Mae.

Aniya pa, "Naku, tumigil na nga siya kasi hindi ‘yan makakatulong sa career niya! Tsaka huwag naman sanang siya pa ang nagkakalat na close sila ni Ara. Sa pagkakaalam ko, hindi nga sila nagkakausap ni Ara. Pati nga si Ara, nagugulat kasi nane-namedrop daw siya sa mga interviews ni Rudy."



Nakapag-move on na raw si Rufa Mae at masaya na siya sa relasyon nila ni Erik. Sana raw ay maging masaya na si Rudy sa buhay niya, tutal ay nakabalik na rin ito sa paglalaro ng basketball para sa koponan ng Barangay Ginebra.



"May kanya-kanya na kaming mga buhay, di ba? Tahimik na nga ang lahat, e. Bakit pa siya nagpapapansin ng ganyan? Please lang, huwag na niyang gamitin si Ara kasi hindi niya masisira ang friendship naming dalawa," diin ni Rufa Mae.



Since nakabalik si Rudy sa Pilipinas para maglaro ulit sa Philippine Basketball Association (PBA) ay hindi pa raw nagku-krus ang landas nila ni Rufa Mae. Kung saka-sakaling aksidenteng magkita sila ni Rudy ay babatiin pa rin naman daw siya ng sexy comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman ako bitter na tao para hindi siya batiin, 'di ba? Pero depende naman sa kanya kung gusto rin niya akong batiin. Kung deadma siya, 'di deadma rin ako. Basta ako parati naman akong Miss Friendship sa lahat, 'di ba? Hindi pa naman kami nagkikita kaya I'll cross the bridge when I get there!" natatawa pa niyang pahayag bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN