Vicki Belo defends Belo Medical Group against Hope's allegations

IMAGE 0


Vicki Belo assures the public that her clinic takes good care of its patients. She says, "First of all, Belo is very professional. One thing about Belo is we never leave our patients alone because, in our mind, they are our responsibility."


Muling iginiit ng may-ari ng Belo Medical Group na si Dra. Vicki Belo na imposible ang mga akusasyon ni Hope Centeno na may nangyari sa kanila ni James Yap sa loob ng klinika ng Belo.

"Alam mo, totoo 'yong kahit saan pwedeng mangyari. Hindi reason na maliit, 'di ba? If there's a will, there's a way. Pero dapat isipin ng tao kung willing 'yong dalawang tao, 'di ba? Kailangan willing 'yong dalawang tao," panimulang pahayag ni Belo sa live interview sa kanya ng Startalk noong Marso 3.

Patuloy na pagsasalaysay ng doktora, "Kinausap ko kasi si James about the situation. I asked James, sabi ko, ‘James, bakit hindi mo sinabi sa akin na may problema pala, na one of my staff is harassing you or running after you.'

"Sabi niya, ‘Kasi alam mo doktora, number one, lalaki ako. Alam ko namang walang pwedeng mangyari kung ayaw ko. And ayaw ko.'"

Hindi na rin daw nagsumbong pa si James dahil ayaw na niyang maabala pa ang doktora. Ngunit nakiusap na lamang ang basketbolista sa mismong mga empleyado ng Belo na bantayan siyang mabuti sa tuwing pumupunta siya sa klinika.

Ayon kay Vicki, "Ang ginagawa naman niya, nakakahiya naman daw to bother me with just this small thing. You know, kinausap niya ang mga facialist and the scrubbers. And I talked to them, which they all say that James asked them, ‘Please, huwag n'yo akong iwanan mag-isa, lalo na huwag ninyong papasukin si Hope. At huwag ninyo akong iwan mag-isa with Hope.'

"There was even more bantay with James, it's really impossible to happen in Belo. But more than ever, it shouldn't have happened kasi binabantayan na siya ni Mitos. Binabantayan si Hope na huwag makapasok sa kuwarto, na huwag iwanan alone with James."

Inihayag din ng may-ari ng Belo kung paano ang nagiging proseso sa tuwing mayroong silang pasyente na gustong magpa-facial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Belo, "First of all, Belo is very professional. One thing about Belo is we never leave our patients alone because, in our mind, they are our responsibility.

"The moment the patient comes in, talagang hinahawakan from reception to the facial. Kahit papunta sa banyo ang tao, naghihintay ang facialist sa corner lang, so alam niya kung may papasok pang iba. So imposible 'yong [accusations ni Hope]..."

Actions taken. Sa kwento ni Belo, nalaman na lamang niya ang tungkol sa sitwasyon mula sa kanilang CEO.

"Kasi 'yong isang facialist, ni-report na kasi niya yata three weeks before that to the manager of the clinic. Pero 'yong manager kasi, pinagsabihan lang si Hope, ‘Huwag mo nang pasukin 'yong kuwarto ni James, huwag ka nang manggulo dun. Don't bother him.' Pero ginagawa pa rin ni Hope," salaysay ni Belo.

Dagdag pa niya, "Itong si Hope, laging trying to go up. Pero 'yong bantay doon si Mitos or si Nice, hindi siya pinapapasok. And never iniiwan si James nang mag-isa kasi alam na nila 'yong sitwasyon."

Nang hindi pa rin nagbago ang kilos ni Hope, sinubukan na ng facialist dumiretso sa mga mismong doktor ng klinika.

Kwento ni Belo, "Nagpunta na siya sa doktor. Kasi lagi namang may dalawang doktor sa [Tomas] Morato [branch], sinumbong. Tinawag kaagad ng top management, pumunta sila dun, 'tapos kinausap nila si Hope. Dinenay niyang lahat talaga. Deny, deny, deny..."

Itinanggi diumano ni Hope ang lahat sa harap ng mga tauhan ng Belo. Ayon pa kay Vicki, "In fact, I think, a week before may meeting ang mga facialist and they asked her point blank, ‘Ano ba talaga?' [Sagot ni Hope], ‘Wala talagang nangyari.' Na-tape pa nga ng isang facialist na dinenay niya. So nag-deny siya.

"Pero, in spite of that, nawalan pa rin siya ng trabaho. Pati manager on top of her who failed to bring it up, nawalan din ng trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, pinag-aaralan pa diumano kung magasasampa sila ng kaso laban kay Hope.

Sa kabila nito, naaawa pa rin si Belo kay Hope dahil sa nawalan siya ng trabaho. Aniya, "I think may mga tao na sumusulsol sa kanya na, ‘Mali ang ginawa ng Belo. Bakit ka pinaalis, wala ka namang ginagawa?' So I think ginagamit siya ng ibang mga tao."

Hope as a receptionist. Nilinaw ni Vicki Belo na isa lamang receptionist si Hope at kadalasang nasa baba lamang ng klinika upang sumagot ng telepono, kunin ang schedule ng mga pasyente, at kumpirmahin ito.

Sa paglalarawan ni Belo kay Hope, "She looks decent [naman]. I mean, she looks professional. Parang for us naman, she met the requirements of somebody who should be a receptionist in Belo Medical Group. But, you know, everybody says naman, ‘No complain from patients, mukhang magaling naman siya sa trabaho.'"

Kaugnay nito, 'di niya itinanggi na maaring maraming text messages na nakuha si Hope mula kay James. Ito ay sa tuwing kukuha ng confirmation for schecudle ang receptionist sa cager. Kahit na "Okay" o "Thanks" ay hindi raw binubura ni Hope ang message sa inbox niya kapag ito ay galing kay James.

"Ang hindi namin alam, ginagamit niya ang kanyang personal phone. Pero nakita naman lahat ng facialist, na pinapakita naman niya, na sine-save niya ang mga text ni James. Mabigat na nga ang phone daw kasi nandun ang mga text ni James."

James as a Belo client. Ipinaliwanag din ni Vicki na minsan ay nagkikita sila ng asawa ni Kris sa Belo clinics, partikular na sa Rustan's Makati at sa Tomas Morato. Ang madalas diumanong puntahan ng cager ay sa Morato.

Ayon pa kay Belo, "Dito naman sa Morato, kaya siya pumupunta diyan, lagi niyang sinusundo si Kris from taping. So instead of hanging out sa station, ginagawa niya nagpapa-facial na lang siya or scrub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero lagi si James kapag pumupunta siya, nagmamadali. Kung minsan nga ang scrub dapat 40 minutes, ginagawa niyang 20 kasi nagmamadali siya to pick up Kris. There's really no time, he's always in a hurry to pick up Kris."

Kris Aquino's "pagtatampo." Hindi naman itinanggi ni Belo na may tampo ngayon si Kris, isa sa mga endorsers ng Belo Medical Group, sa kanya matapos ang mga pangyayari.

Aniya, "Yes, definitely may tampo si Kris. Pero naiintindihan ko naman kasi alam ko naman na she's going through a really hard time. She's in a lot of pain.

"I'm just praying na sana naman, as time passes, makikita naman niya kung sino talaga ang mga tunay niyang kaibigan."

Effect on Vicki Belo's business. Ikinatuwa naman ni Belo na sa kabila ng mga nangyari, hindi masyadong naapektuhan ang kanilang business.

"So far naman, it's going on for two weeks, wala namang epekto. Although we have a big showbiz clientèle, mga 20 percent lang sila, 80 percent naman of our patients are normal people who really need our services in terms of facial. They just really go there because they like it," sabi ni Belo.

Ipinaalam din ng doktora na dahil sa mga nangyari ay inihinto muna nila ang serbisyong pag-i-scrub sa mga lalaki.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Vicki sa mga taong damay sa mga pangyayari.

Para kay Kris at James: "James, I know you really love your family. I know that you'll really fight for what you believe in. Kris, sana naman you give James a chance to prove how much he loves you and he didn't really do anything."

At para kay Hope: "Hope alam mo, alam naming lahat sa clinic na talagang walang nangyari. Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi ang mga ito, pero sana naman mag-isip ka. May mga tao talagang nasasaktan. Kung pwede lang i-clear mo na 'yong conscience mo, sabihin mo na kung ano ang totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN