Jake Cuenca denies rumor that he is already an unwed father

IMAGE 0


Young actor Jake Cuenca answers issues from being an "unwed father" to being the "flavor of the month" of a gay TV executive.


Sa Nominees Night ng 4th Golden Screen Awards na ginanap kagabi, March 6, sa Zirkoh Greenhills, ilang issues ang sinagot ng young actor na si Jake Cuenca sa maikling pakikipag-usap sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Una ay ang tungkol kay Sarah Geronimo na crush ni Jake. Ayon kay Jake, nagkaroon na raw siya ng pagkakataon na makilala si Sarah. Hindi itinanggi ni Jake na naging inspirasyon niya si Sarah kaya napabilis ang pag-oo niya na lumipat ng network—from GMA-7 to ABS-CBN.



"Nakilala ko na siya. Bale, ipinakilala kami nang mag-guest ako sa Little Big Superstar [Sarah's very own show]. Grabe, hiyang-hiya nga ako! Parang bigla akong natorpe! Kasi alam ni Sarah na crush ko siya dahil may interview yata sa kanya. So, wala rin akong nasabi, hanggang ‘hi' lang... Pero ang bait niya! Mabait sila, pati na ang Mommy niya," natatawang kuwento ni Jake.

Samantala, natatawa rin si Jake sa isyung merong bading na TV executive na sobrang type na type siya kaya hindi pa siya nawawalan ng project sa ABS-CBN simula nang lumipat siya rito.



"Wala!" mariin niyang sabi. "Wala akong alam na ganoon. If ever man siguro na merong may crush, wala namang masama. Crush lang naman, so okay lang yun."



Paano kung kapalit ng pagpapasikat na gagawin sa kanya or sure projects ay may kapalit with the TV exec?



"Ay, hindi! Hindi na lang. Mas gusto ko pa rin na anuman ang gawin ko, pagtatrabahuhan ko lang," aniya pa.

Itinanggi rin ni Jake ang kumakalat na balita na may anak na siya sa pagka-binata.



"Lalo namang walang katotohanan yun! Natatawa na nga lang ako. Pati yung manager ko, minsan kausap ko, sinabi sa akin, ‘Hoy, Jake! May anak ka na raw?!' Sabi ko, ‘Ano ka ba naman, bata pa lang ako, kilala mo na ako. Imposibleng kung may anak ako, hindi mo malalaman.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala, wala pa talaga akong anak. Sure ako sa bagay na ‘yan. Siguro lang kasi, kaya ako naiintrigang may anak dahil minsan, may nakakakita sa akin na may kasama akong bata. Nagkataon kasing nandito sa bansa ang pamangkin kong lalaki [who is based in the U.S.] at yung three years old kong kapatid, si Bea [na naka-base naman sa Spain]. So, siguro, napagkakamalan na mga anak ko sila," sabi pa ni Jake na half-Filipino, half-Spanish.



Sa ngayon, ayon kay Jake, ay zero ang lovelife niya. Marami man daw ang girls from ABS-CBN na nali-link sa kanya, including Angelica Panganiban, wala pa rin daw siyang girlfriend. Trabaho raw ang mas na inaatupag niya.

Ibinalita rin ng young actor na may bago siyang show na gagawin sa ABS-CBN.Pero hindi pa raw niya maaaring sabihin kung ano ito dahil mag-i-storyconference pa lang daw sila ngayon, March 7. Ayon kay Jake, mabaitnaman daw ang character na gagampanan niya rito unlike sa presentprimetime soap opera niya sa Dos na Sana Maulit Muli.

From a PEP source, we found out na ang tinutukoy na show ni Jake ay ang Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN