Janno Gibbs no show at Gladys Guevarra's guesting on

IMAGE 0


Gladys Guevarra guested for the first time in Eat Bulaga! after her resignation early this year. Janno Gibbs, who was once linked to her, was conspicuously absent.


Guesting muna ang ginawa ng comedienne-singer na si Gladys Guevarra nung Sabado, March 10, sa Eat Bulaga!. Lumabas siya bilang Chuchay sa "Bulagaan" portion ng programa at mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng hosts at studio audience.

Gusto siyempre ni Gladys ang muling maging bahagi ng programa na nagbigay ng break sa kanya at naging bahagi ng buhay niya for more than six years. Pero kanyang nirerespeto ang anumang desisyon ng management sa status niya. Ang mahalaga, natapos na ang anumang problema, tensiyon at intrigang bumalot nang umalis siya.

"Bahay ko 'to kaya kung balikan ko man, walang problema sa akin," ani Gladys sa paggi-guest niya.

Noong nakaraang birthday ni Gladys ay sinorpresa siya ng executives ng TAPE Inc. na sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar at ang halos lahat ng dating co-hosts niya sa Eat Bulaga!. Ito ang nagbigay-daan sa pagbabalik ni Gladys sa nasabing noontime show ng GMA-7 pagkatapos ng kanyang biglaang pagre-resign early this year.

"Health reasons" ang ibinigay na dahilan ni Gladys, pero naniniwala ang ilan na hindi siya nagsasabi ng totoo. May mga nagsasabi na ang posibleng dahilan ng pagre-resign ng comedienne-singer ay ang relasyon niya diumano sa co-host niya sa Eat Bulaga! na si Janno Gibbs. Pinabulaanan pareho nina Gladys at Janno ito, pero may ilan pa ring hindi naniniwala na hindi sila nagsasabi ng totoo.

Kapansin-pansin na noong nag-guest si Gladys last Saturday sa Eat Bulaga! ay absent si Janno.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ang PEP (PHilippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Janno Gibbs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN