Sharon Cuneta denies snubbing incident with Susan Roces

IMAGE 0


Sharon Cuneta denies the rumors that she and Susan Roces are not in good terms. The Megastar said, "Tita Susan is like a mother to me,we've been close to each [other]. Parangif there's anybody that can call me things, and tell me something na ganyan,she's one of the few, 'di ba?"



Marami ang nakapansin na sa pagdating ni Sharon Cuneta at ngkanyang asawa na si Francis "Kiko" Pangilinan sa birthday party ni RudyFernandez noong Marso 3 ay umalis naman ang veteran actress nasi Susan Roces kasama ang mga kaibigang sina Armida Siguion-Reyna at Marichu Vera Perez-Maceda.

Dahil dito, kumalat ang balita na nag-walkout ang grupo ni Susandahil sa pagdating ni Sharon sa nasabing okasyon.

"Nagulat ako sa lumabas na 'yan, then I told Lorna [Tolentino, asawa ni Rudy]. Sabi niya, ‘No,because bago [ka] dumating sa party, nakapagpaalam na sila Tita Susan,'"kuwento ni Sharon sa taped interview ng S-Files noong Marso 11.

Pinabulaanan din ng Megastar ang balitang mayroonsilang hindi pagkakaunawaan ngayon ng asawa ng yumaong si Fernando Poe, Jr. dahilsa pulitika. Dapat kasi ay sa partido ng oposisyon tatakbo si Kiko bilang senador, ngunit nagpasya ang Genuine Opposition (GO) na tanggalin si Kiko bilang guest candidate dahil sa hindi nito pagsipot sa kampanya ng partido.

Nilinaw ni Sharon na pagkatapos pumanaw ni FPJ, na dalawang beses niyang nakatambal sa "Kahit Konting Pagtingin I & II," ay hindi naman sila nawalan ng komunikasyon ni Susan. Imposible rin daw na mag-walkout ang Queen of Philippine Movies kung saka-sakali.

"Parang after FPJ passed away—very sadly and veryuntimely—we did not naman stop talking. She has always been a lovely person, that's not her style," pahayag niSharon.

Patuloy pa ng aktres, "Tita Susan is like a mother to me,we've been close to each [other]. Parangif there's anybody that can call me things, and tell me something na ganyan,she's one of the few, 'di ba?"

Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Marichu Vera Perez-Maceda tungkol sa balitang isnaban diumano sa pagitannina Sharon at Susan.

Panimulang kwento ni Marichu, "Minutes before Sharonarrived, nagsabi na kaming dalawa ni Susan. Sabi ko, ‘Swanie, umuwi na tayo.' Ang aga-aga namin doon, 7:30. [Sabi ni Susan], ‘Papaano tayomagpapaalam?' Tamang-tama, dumarating siLorna T., sabi ko, ‘Aalis na kami, ha?' Sabi ko, ‘Hindi na kami magpapaalam sa iba.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos nagulat na lang ako nang mabalitaan ko nanag-walkout daw kami. Hindi na nganamin siya [Sharon] nakita, kasi dumaan kami dito sa door on the left side, dumating yatasiya sa main door.'"

Dagdag pa ni Marichu, "Siguro nagkataon lang na the othersmisinterpreted it."

Nagpakita rin ng pagkadismaya ang Megastar sa mganaglalabasang balita ukol sa pangyayaring ito.

Ayon sa kanya, "Nakakalungkot na people will make something out ofnothing. I love Tita Susan toomuch. And I think she's too great toact like that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN