Jolina denies report that Bebong already proposed to her in Camiguin

IMAGE 0


Jolina Magdangal was accompanied by boyfriend Bebong Muñoz during her shooting in Camiguin for the movie Ouija. The young multimedia star dismisses rumor that Bebong already proposed to her.


Walang nangyaring marriage proposal sa Camiguin shoot ng Ouija between Jolina Magdangal angd her boyfriend Bebong Muñoz.

Straight from the airport galing Camiguin si Jolina last Sunday for GAM-7's SOP. May important scenes na kinunan doon for her movie with Judy Ann Santos, Iza Calzado, and Rhian Ramos.

Bago natuloy ang shoot, usap-usapan na baka doon daw mag-propose si Bebong kay Jolina na siyang pinakaaabangan ng lahat ng fans ng dalawa. Subalit wala raw proposal na nangyari dahil wala naman daw talagang ganoon, sabi ni Jolina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) via text.

Natatawa pa nga raw silang dalawa ni Bebong na may ganoong balita. May balak talagang magpakasal sina Jolina at Bebong ngunit sa ngayon, pareho pang busy ang dalawa sa kanilang respective careers. Tatlo ang shows ni Jolina sa GMA-7—ang Unang Hirit, StarStruck The Next Level, at SOP—samantalang nangangampanya naman si Bebong sa pagka-kongresista sa second district ng Caloocan City.

Dagdag pa ni Jolens, hindi rin daw sila nakapag-double date nina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa Camiguin sa dami ng kanilang trabaho. Like her boyfriend Bebong, sumama rin kasi si Ryan sa Camiguin shoot ng GMA Films and Viva Films movie scheduled to be released in August. Doon kinunan ang cameo scene ni Ryan for the movie, free of charge. Bebong also did a cameo role, pero sa Maynila ito kinunan.

Pahabol lang ni Jolens, happy pa rin sila ng kaniyang kumareng si Judai dahil kahit napaka-hectic ng kanilang Camiguin shoot, at least kasama raw nila ang kanilang mga "labidabs."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN