Kris Aquino's baby still underweight

IMAGE 0


"Pine-pray ko na lumaki talaga yung baby. Nung lumabas sa ultrasound, maliit siya talaga," says Kris Aquino about her unborn son.


Sinamahan ng The Buzz sa pagpapa-check up sa Makati Medical Center nitong nakaraang Linggo, March 18, ang naka-leave ngayon mula sa show na si Kris Aquino.

Mahigit pitong buwan na ang baby na dinadala ngayon ni Kris. Sumailalim ang TV host-actress sa non-stress test upang malaman ang estado ni baby James sa sinapupunan ni Kris. Sumunod naman dito ang kanyang pagpapa-ultrasound.



Ayon sa ultrasound ay lumaki naman na si baby James. Sa katunayan, mas malakas na raw ang mga sipa nito.

Sa kabila nito, sinabi ng espesyalistang si Dr. Ramon Reyles na "three pounds" lang ngayon si baby James. "Above the lowest percentage ang circumference" ng sanggol bagama't mababa pa rin ito kung ihahambing sa average na sanggol na four pounds.



"Feeling ko, it really grew, 'di ba? Tapos yung movement mas pronounced na," pahayag ni Kris.



"Two weeks na yun na nag-total bed rest ako. Sinunod ko naman yung doctors sa lahat ng dapat kainin and then nag-lose pa ako ng more weight. Normally, ‘pag hindi ka buntis, happy pa ‘pag payat ka. Ngayon na buntis ka, pine-pray ko na lumaki talaga yung baby. Nung lumabas sa ultrasound, maliit siya talaga," kuwento pa ng expectant mother.



Sinabi rin Dr. Reyles kay Kris na below three centimeters and kanyang cervix.

"Nalaman ko pa na because sinasabi nila na short yung cervix [ko]. Sabi pa nung doktor, na seven weeks na hihiga ako," ani Kris.



Pinayuhan din ng mga doktor na lakasan pa ni Kris ang kanyang pagkain ngayon.

"Kahit na kumakain ako, hindi ko nako-consume yung required calorie allotment, so dapat daw dagdagan Hindi talaga ako breakfast eater. Sinabi mas kailangang maging heavy yung meal sa breakfast.



"Nakaka-three glasses of milk ako a day. Sinasabi nila, i-up ko yun to four or five glasses a day. I thought na papayagan na akong magkaroon ng limited activity kahit yung manood lang ng sine o makapunta sa isang baby store. Tapos nung sinabing hindi, super na-sad talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon, lubos ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Aniya, "Gusto ko lang mag-thank you kasi constant maraming nagpapadala sa akin ng prayer book, ng mga mass card, ng mga inspirational book. Tapos andami-daming sumusulat sa akin, nag-i-e-email.



"Gusto kong mag-thank you sa inyong lahat dahil nakakataba talaga ng puso yung concern na ipinapakita niyo sa akin at para sa baby ko. Sad lang ng konti dahil akala ko okay na. Konting tiis na lang dahil first week of May, tapos na 'to.



"I miss everybody. Nami-miss ko yung mga nanonood ng shows ko. See you by June," pangako pa ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN