Bing Loyzaga shows all-out support for Janno Gibbs

IMAGE 0


"I'm supporting Janno all the way. Kaming dalawa nagsusuportahan sapangyayaring ito. We're coming out, we're facing this problem asparents for our children," says Bing Loyzaga.


Lubos na nabahala ang mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga sa mgatext messages na natanggap nila sa diumano'y stalker ni Janno.

Bago pa man nahuli ang stalker (na pinangalanang Tessa) sa isangentrapment operation, panay na raw ang pagpapadala nito ng mga textmessages sa mag-asawa ng may kasamang pagbabantang papatayin ang isa samga anak nila.

Ayon sa kwento ni Janno sa taped interview sa kanya ng Startalknoong Marso 17, kilala niya ang suspek bilang isang fan. Paglalarawanpa niya, "Kilala ko siya as fan, na mabait. Nagpupunta [siya] sa Eat Bulaga, sa SOP, nagdadala ng pagkain minsan. At naite-text niya ako noon pero sa ibang number, sa totoong number niya siguro.

"Mabait naman 'yong mga text. ‘Kuya Janno, ano po ang bagong ninyongshow, kailan lalabas ang bagong ninyong album?' Hindi ko rin binigayang number ko, nakuha lang niya."

Nagtaka na lamang ang singer-comedian nang magsimula itong magpadalang mga mensahe ng pagbabanta kung saan nabanggit pa ang anak niyangsina Alyssa at Gabriella. Dahil dito ay naisipan na ni Janno na ipahuliang suspek.

"Ang ginawa ko, pinilit kong makipagkita. [Sabi ko], ‘Makipagkita kasa akin.' ‘O, sige.' Ang tapang, e. ‘Isama mo pa si Bing.' Sabi ko,‘Hindi, ako lang. Ako lang.' So nakipagkita ako, nagsama na ako ngpulis," kwento ni Janno.

Nahuli ang babaeng nagte-text sa aktor at dinala sa Camp Karingalupang hingan ng pahayag. Ayon sa suspek, magkakilala sila nang personalni Janno. Idiniin din ng dalaga na hindi siya ang nagpapadala ng mgamensahe.

Sinabi ni Tessa sa media, "Wala naman po akong galit, e. Naipit ngalang po ako. Kasi po meron lang po akong mga kakilala, mga kaibigan nahiningi nila sa akin 'yong number ni Janno. Ang sabi nila, kakaibiganinlang nila si Janno kasi alam nila kilala ko. Ako naman, ‘Sigekaibiganin n'yo.' Wala namang masama doon. 'Tapos hindi ko na alam naumabot na sa ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagtanggi ng mga bintang sa kanya, ayaw namang ibigayng dalaga ang pangalan ng diumano'y kaibigan na nagpadala ng mensahe.Sa kwento ni Janno, "Sabi ko naman, ‘Sabihin mo na sa amin kung sino'yong mga kaibigan mo para lusot ka na.' Ako naman ayoko naman ngnagpapakulong, di ba? Ayaw naman, [sabi niya], ‘Hindi, ayaw ko silangipahamak, ako na lang.'"

Sa ngayon, pansamantalang pinalaya ng mga pulis ang suspek dahil sainihayag nitong 17 taong gulang lamang siya. Gayunman, sinigurado niJanno na itutuloy nila ang pagsampa ng kaso sa suspek o di kaya sa kungsinuman ang sangkot sa mga pangyayari.

Ayon sa aktor, madaling-araw na naganap ang operasyon. "Wala pakaming time kumuha ng lawyer or whatever. So nakalabas pa rin ngayon.Magpa-file pa rin kami [ng kaso] siyempre," paliwanag ni Janno.

Humiling din ang aktor sa mga taong nakakaalam ng mga personal nanumero ng mga artista. Pakiusap ni Janno, "Sana sa buong showbiz, sanapo 'yong mga numbers ng mga artista, e, isagrado naman po natin.Kumbaga, binibigay namin 'yong mga personal numbers namin para satrabaho, so sana ingat naman sa pagdi-distribute."

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang asawa ni Janno na si Bingsa hakbang na ginawa ng aktor upang mahuli ang sinasabing stalker.

"I'm supporting Janno all the way. Kaming dalawa nagsusuportahan sapangyayaring ito kasi we're here...We're coming out, we're facing thisproblem as parents for our children," sabi ni Bing.

Ayon sa aktres, simula pa lamang ng pagte-text ng alleged stalker ay pinaalam na ni Janno ito sa kanya. Sa live interview ng Startalk noong Marso 17, sinabi ni Bing, "Nakakatawa noong una, para bang, ‘Ano ba 'to? Ano bang kwento nito?'

"Kasi sa tutuusin, tayo sa industriya, aminin na natin, we get text[messages] from anybody. Ang this is not the first time na nangyari saamin na ganito, pero hindi 'yong ganyan kalala na pati ang mga anaknamin nababanggit. At sobrang nakakagulo na ng isip 'yong mgapangyayari, 'yong mga tine-text, 'yong mga sinasabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magkaroon ng entrapment operation, nanatili ang aktres sa bahaykasama ang mga anak nila. "Actually, alam ko naman na magkikita sila,makikipagkita with colonel. Pero di nga ako sumama dahil, at the sametime din, since alam namin na may mga threats ayokong iwan 'yong mgabata at ayaw din ni Janno na maiwan ang mga batang mag-isa," paliwanagng aktres.

Dagdag pa ni Bing, "We're here, we're together now, we're backing-up each other because we are parents."

Nagbigay rin ng mensahe ang aktres para sa mga fans. Paalala niBing, "Kapag off-camera, bawat artista tao rin lang. So sana respetuhinlang natin. At sa mga fans na tulad ko, dapat alamin natin na angpaghanga natin ay may limitasyon lang din 'yan kasi kailangan natingrespetuhin ang isa't isa bilang tao."

Dahil sa pagsubok na ito sa pagsasama nina Janno at Bing, tila nagingdahilan ito upang tuluyang manumbalik ang kanilang nararamdaman para saisa't isa. Simula na kaya ito ng pagbabalikan ng mag-asawa na nagkaroonng problema dati?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN