Annabelle to Ruffa: "Napaka-plastic mo, 'day!"

IMAGE 0


"Maraming plastic na tao sa showbiz. Una, ikaw yun. 'Di ba, minsan, maski kaaway mo, binabati mo? Napaka-plastic mo, 'day!" says Annabelle Rama about daughter Ruffa Gutierrez-Bektas.


After Gretchen Barretto, ang mismong ina naman ni Ruffa Gutierrez-Bektas na si Annabelle Rama ang naka-one-on-one ni Ruffa kahapon, March 18, sa The Buzz.

Si Ruffa ang pansamantalang pumalit kay Kris Aquino na naka-maternity leave sa ngayon. Sa nasabing interview ni Ruffa sa kanya ina, inamin ni Annabelle na nagkaroon ng maraming affairs ang kanyang asawang si Eddie Gutierrez.



Kwento ni Annabelle, "Sa babae lang marami. Lahat ng iskandalo noong araw, noong pinagbubuntis pa lang kita [Ruffa], ‘andami kong tinatadyakan, sinasampal! Sobra kasi pagka-selosa ko sa daddy mo. May titingin lang, ‘Hoy, anong problema mo sa buhay mo?' Bastos ako noong araw Ruffa dahil sa daddy mo, pagseselos ko sa kanya. Actually, mabait naman ako talagang mommy mo, 'di ba?"



Nang tanungin ni Ruffa kung mayroon ba siyang pinag-selosang artista, umamin si Annabelle na meron pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.

"Ayokong mag-mention na kasi tapos na yun, e. Marami talaga sila. Wala akong ginawa kundi tumawag sa mga artista. Basta lahat ng iskandalo ginagawa ko para lang makuha ko yung daddy mo. Nakuha ko naman, pero hindi ko nakuha na akin na akin. Lahat ng klaseng gayuma ginawa ko sa daddy mo!" dire-diretsong pahayag ni Annabelle, na ikinatawa ng lahat.



Dagdag pa niya, "Lahat ng klaseng artista pinatulan na niya, Day, ‘no! Siyempre, you don't have to ask me that question, Ruffa. Nanay mo ako. Alam mo kung paano ko kayo sinisilbihan. Nakikita mo lahat-lahat yun. kung ako masamang nanay, matagal nang nawala ang daddy mo sa akin. Up to now, patay na patay pa rin siya sa akin!"



Sa naturang panayam, naalala ni Annabelle ang isa sa mga lowest points ng buhay nilang mag-anak. Ito ay noong nasa Estados Unidos ang pamilya Gutierrez.

"Nung nasa States tayo, nagtitinda tayo ng kaldero. Remember, nag-slide ka [Ruffa] pa sa snow? 'Pag wala tayong benta, para tayong kawawang-kawawa, 'di ba?" kuwento ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi rin siyempre makakalimutan ni Annabelle yung mga panahong dalaga pa si Ruffa at nililigawan ng napakaraming kalalakihan. Isa raw itong yugto sa buhay nilang mag-ina na madalas silang magkagalit.

"Nung panahon mo, nung dalaga ka pa. Siyempre 'pag matigas ang ulo mo at pumatol ka sa mga patay-gutom, naiinis ako sa iyo!" prangka niyang sabi.



Ibinuking din ng talent manager si Ruffa nang sabihin nitong isa siya sa pinaka-plastic na tao sa showbiz.

"Maraming plastic na tao sa showbiz. Una, ikaw yun," sabi niAnnabelle, na naging dahilan upang matigilan si Ruffa habang lahat ngtao sa studio ay natatawa sa naturang pahayag niya.

Dagdag pa nito, "Di ba minsan, maski kaaway mo, binabati mo? Napaka-plastic mo, 'day!"

Bumawi naman si Annabelle nang sinabi nitong nalulungkot siya sa tuwing umaalis si Ruffa patungong Istanbul, Turkey, kung saan nakabase ang kanyang asawang si Yilmaz Bektas.

Aniya, "Ang pinaka-ayaw ko Ruffa, yung punta ka nang punta sa Istanbul. Ayokong umaalis ka, gusto ko nandito ka lang sa Pilipinas. Pagpunta mo sa airport, umpisa na ng pag-iyak ko sa iyo. Hirap sumakay ng eroplano. Mag-istambay ka pa sa Dubai ng eight hours. ‘Pag umiiyak ka sa akin, nag-aaway kayo ni Yilmaz, nahihirapan ako kung paano kita susunduin dun. Gusto mo akong maging maligaya Ruffa, hindi ako magkakasakit, huwag ka nang bumalik doon."



Bilang pangwakas, tinanong ni Ruffa ang kanyang ina kung ano pa ang mga bagay na mahihiling niya sa Diyos.

"Lahat tayo magsama-sama. Walang mawawala sa inyo. Mga kapatid mo, ilayo sa drugs, ilayo sa mga babaeng namimikot, ilayo sa mga babaeng nabubuntis," sabi ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN