Daughter of FPJ still holding a grudge against Kiko Pangilinan

IMAGE 0


"Masama pa ba ang loob ko sa kanya? Siyempre, hindi pa namannaliliwanagan yun, di ba? I feel bad about what he did. I don't knowhim enough to say that I don't like him," said Mary Grace Poe-Llamanzares about Senator Kiko Pangilinan.


Mahigit dalawang taon na ang nakararaan simula nang yumao ang Kingof Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., pero hanggang ngayon palaay may kinikimkim pa ring sama ng loob ang kanyang anak na si MaryGrace Poe-Llamanzares kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Si Kiko aynabansagan noong Mr. Noted dahil sa pagtanggi nitong buksan angelection returns noong canvassing sa Kongreso during the 2004elections, kung saan marami ang naniniwala na si FPJ ang totoongnagwagi bilang Pangulo ng bansa at hindi si Gloria Macapagal-Arroyo.

Parakay Mary Grace at sa kanyang ina at biyuda ni Da King na si Susan Rocesay sariwa pa ang ginawa ni Senator Kiko na pagkakait sa kahilingan ngkampo ni FPJ sampu ng kanyang mga supporters na pabuksan ang mga balotapara patunayan na walang dayaang nangyari.

Naniniwala ngasi Mary Grace na kung pumayag lang si Kiko na pabuksan ang ballot boxesay malamang nagkaroon ito ng major impact sa naging resulta ng eleksyonnang mga panahong iyon.

Sa panayam ng TV Patrol Worldnoong Lunes, March 19, hindi na ikinubli at tuluyan nang isiniwalat niMary Grace ang hinanakit niya sa asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

"Masamapa ba ang loob ko sa kanya? Siyempre, hindi pa naman naliliwanagan yun,di ba? I feel bad about what he did. I don't know him enough to saythat I don't like him. Again, it's not personal, this is just reallypolitics," sabi ni Mary Grace.

Sa kabila nito, nilinaw niMary Grace na wala siyang hinanakit kay Sharon at kaibigan pa rin dawang turing ng pamilya Poe sa Megastar. Taliwas naman ito sa naglabasangbalita na nag-walkout si Susan kasama ang ilang kaibigan nang makitangpaparating si Sharon sa selebrasyon ng birthday ni Rudy Fernandezkamakailan.

Tumangging mag-comment si Susan sa isyuhabang si Sharon ay nagbigay ng pahayag na naniniwala siyang walasilang problema ng biyuda ni FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni MaryGrace, hindi rin masama ang loob nilang mag-ina sa mga dating senadorna sina Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta na ngayo'y parehong kandidatong TEAM Unity, ang koalisyon ng administrasyon. Kaibigan pa rin daw angturing nila sa dalawa.

"For me, right now, I think thegoal should be, that hopefully those in... That will promote what wouldbe good for the country will actually win," aniya pa.

Nagbabalak si Mary Grace na pasukin na rin ang magulong mundo ng pulitika, pero pinag-iisipan pa raw niya itong mabuti.

"Ofcourse, I also have to think about my family. For me, if I can reallyguarantee that I can balance my time..." may pag-aalinlangang pahayagniya.

Maging ang kanyang inang aktres na si Susan ay nag-aalinlangan din sa posibleng pagpasok ng anak sa pulitika.

Samantala,sa selebrasyon ng pista ni St. Joseph noong Lunes, March 19, ay hindinaiwasang maalala ni Mary Grace ang yumaong ama.

"Saint Joseph is a good father," umiiyak na nasabi niya. "I feel that I'm trying to continue the work of my Dad," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN