Janelle Jamer on Willie Revillame: "Maniwala kayo, wala kaming relasyon!"

IMAGE 0


Janelle Jamer denies rumors linking her to her Wowowee co-host Willie Revillame."Sinasabi nila na may relasyon daw kaming dalawa ni Willie. Na ano raw?Na kabit daw ako? Grabe, hindi totoo yun! Hindi talaga! Swear!" she says.


Patuloy na ngang nakikilala ng mga tao ang dating stand-up comedian sa mga comedy bars na si Janelle Jamer dahil sa noontime show na Wowowee. Si Janelle ang isa sa mga co-hosts ni Willie Revillame sa naturang noontime show ng ABS-CBN na paboritong pinapanood ng TFC subscribers.



Nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si Janelle sa mismong set ng Wowowee at ito pa mismo ang naunang nagtanong kung ano raw ba ang bagong isyu sa kanya ngayon.

Siya rin ang nagsabi na kung tungkol pa rin kay Mark Herras, luma na raw yun at wala naman daw katotohanan ang pagli-link sa kanila. Very close lang daw sila dahil dati silang magkasama sa drama series na Now & Forever ng GMA-7.



Ayon kay Janelle, kahit na nasa Dos na siya, nanatili pa rin daw silang may communication at magkaibigan ni Mark. Pero nilinaw nga niyang purely friendship lang talaga at walang dahilan para i-link sila romantically.



Ang ikina-react talaga si Janelle ay ang ipinarating naming intriga sa kanila ni Willie. May isa raw kasing malapit sa kanila na nagpapatunay na may relasyon talaga silang dalawa.



Una'y tinawanan lang ito ni Janelle at saka sinabing, "Lumang isyu na ‘yan!"

Aniya, wala rin daw katotohanan ang isyu sa kanila ni Willie.



"Ganoon naman talaga, sinasabi nila na may relasyon daw kaming dalawa ni Willie. Na ano raw? Na kabit daw ako? Grabe, hindi totoo yun! Hindi talaga! Swear!" pagbibigay-diin pa niya.



"Alam n'yo si Willie, ganoon lang talaga siya. Kung nakikita n'yong sweet, malambing, yun talaga siya. So siguro, may ibang tao na nabibigyan ng kulay yung pagiging sweet niya, pero wala talaga ‘yun.



"At saka kung totoo nga na may relasyon kaming dalawa, sa tingin n'yo ba, papayag ako na ginagawa niya yung mga ginagawa niya rito [sa show]? Sa palagay n'yo ba, papayag akong sweet din siya sa lahat? Siyempre, hindi!" katwiran pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa huli, itinanong pa rin namin kay Janelle ang balitang may mga pagkakataon na napapaiyak na lang siya dahil sa relasyong meron siya sa host ng Wowowee?



"Ako raw?! Ako raw umiiyak? Sobra, nakakatawa naman ‘yan! Hindi talaga! Maniwala kayo, wala kaming relasyon. Si Willie, close siya, sweet siya sa lahat dito kaya walang dahilan para intrigahin kami.

"Hindi po talaga totoo!" mariin pa rin niyang pagtanggi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN