Diether Ocampo on Kristine Hermosa: "Sobra na kaming okay."

Mar 21, 2007
"Right now, sobra na kaming okay. Kung mayroon nga kayong mga nababalitaan na isyu, may third party na involve, I guess hindi nila 'yon dapat seryosohin dahil wala sa amin 'yon," says Diether Ocampo about his relationship with Kristine Hermosa.

Sinagot lahat ni Diether ang mga isyu na ikinakabit sa kanya at sa dating asawa na si Kristine Hermosa nang makausap siya ng entertainment press sa "Walk This Way" fashion show ng Oakley last March 20 sa SM Mall of Asia.

Unang idinipensa ng aktor ang diumano'y paglabas ni Kristine kasama si Oyo Sotto.

Ayon kay Diether, hindi pa niya nakakausap si Oyo, "Pero wala namang kaso sa akin yun, e. Si Oyo isang malapit na kaibigan ni Kristine, I guess hindi lahat ng tao nakakaalam noon. Naiintindihan naman natin 'yong ganoong sitwasyon, so walang problema."

Dagdag pa niya, minsan lamang siya nakasama sa paglabas nina Kristine at Oyo. "Sila 'yong malimit lumabas kasi mas abala ako... May mga ginagawa akong ibang proyekto, may mga negosyo akong pinagkakaabalahan," paliwanag ni Diether.

Hindi na rin daw apektado ang aktor sa tuwing nali-link si Kristine sa mga kapareha nito sa trabaho.

Nang tanungin kung ano ang tunay na status ng relasyon nila ni Kristine, agad na isinagot ni Diether, "Wala, kailangan ko pang manligaw daw, e. So kailangang paghandaan mabuti dahil marami akong dapat itama na mga naging experience namin before na ayoko nang maulit."

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, maaaring matagalan pa rin daw ang binabalak nilang pagpapakasal muli.

Paliwanag ng aktor, "Medyo matatagalan pa 'yan. Right now, inaayos namin ang mga trabaho namin dahil medyo nag-o-overlap na 'yong ginagawa naming proyekto ngayon. So after ng Palimos ng Pag-ibig, tinatapos ko 'yong Rounin, mayroon na naman kaming isa pang proyektong pagtatambalan."

Itinanggi din ni Diether na maaring mauna ang pagkakaroon ng baby bago ang pagpapakasal. Aniya, "Hindi, tina-try pa namin na maging maayos ang lahat, ayaw na namin magkamali ulit tulad ng dati. We're taking it slow, sabi ko nga."

Sa ngayon, masaya naman daw sila ni Kristine sa kanilang sitwasyon. Matatandaan sa isang artikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabing pareho nina Diether at Kristine na bukas sila sa ideya ng pagde-date o paglabas-labas kasama ang ibang tao.

Sa paglalarawan ni Diether, "Right now, ang dami naming nagagawang bagay na nae-enjoy namin as individual. Pero hindi pa rin nawawala 'yong pagmamalasakit namin sa isa't isa."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "Right now, sobra na kaming okay. Kung mayroon nga kayong mga nababalitaan na isyu, may third party na involve, I guess hindi nila 'yon dapat seryosohin dahil wala sa amin 'yon."

At ang pagmamahal niya para kay Kristine, ayon sa aktor, "Di naman nasusukat 'yon dahil pinagtibay na ng panahon ang pagsasama namin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Right now, sobra na kaming okay. Kung mayroon nga kayong mga nababalitaan na isyu, may third party na involve, I guess hindi nila 'yon dapat seryosohin dahil wala sa amin 'yon," says Diether Ocampo about his relationship with Kristine Hermosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results