Aiko to Jomari: "Sana naman ay konting oras naman kay Andrei."

IMAGE 0


Actress-politician Aiko Melendez reveals that Jomari Yllana has not been visiting their son Andrei for quite some time now. "Ako 'yong nagmumukhang sinungaling sa anak ko. So sana lang, pakiusap ko lang din... Sana naman ay konting oras naman kay Andrei para di naman niya ma-feel na outcast na siya," says Aiko.


Picture of a very happy couple ang mag-asawang sina Aiko Melendez at Martin Jackain noong taping ng Homeboy nitong nakaraang Martes, March 20, sa Studio 10 ng ABS-CBN. Kasama nila ang anak nilang si Marthena at ang anak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andrei sa guesting nilang ‘yon sa daily morning show ni Boy Abunda.



Medyo nabawasan ang timbang ni Aiko at guwapo pa rin ang kanyang better-half na si Martin. Nakaw-pansin din ang may pagka-grayish-green na kulay ng mata ni Marthena at kapansin-pansin naman ang paglaki ni Andrei na lalong nagiging kamukha ng ama nitong si Jomari.



Ang kasiyahan ay medyo nabahiran ng lungkot nang tanungin ni Boy si Aiko tungkol sa relasyon ni Andrei kay Jomari. Napaluha kasi ang actress-politician dahil matagal na raw hindi nagpapakita ang aktor sa kanilang anak.



Ayon kay Aiko, madali raw talaga siyang maapektuhan kung pamilya ang pinag-uusapan kaya naman nang mga sandaling 'yon ay di napigil ang pagdaloy ng kanyang luha. Sinabi nga ni Aiko na matagal nang di nadadalaw ni Jomari si Andrei. Madalas nga raw magtanong si Andrei kung bakit hindi na siya dinadalaw ng kanyang ama at kung saan na ito ngayon.



Sa kabila nito, kung ano man daw ang pagkukulang ni Jomari ay si Aiko na lamang daw ang pumupuno at ganun din ang asawa nitong si Martin.



"Ako 'yong nagmumukhang sinungaling sa anak ko," naiiyak na sabi ni Aiko. "So sana lang, pakiusap ko lang din... Alam kong pareho kaming busy dahil kumakandidato siya at ako naman ay ganun din dito sa Quezon City." (Balitang tatakbo ring konsehal si Jomari sa Parañaque City.)



"Sana naman ay konting oras naman kay Andrei para di naman niya ma-feel na outcast na siya. Sana naman si Andrei would not take it against us. Mahal namin siya. We will do everything na ma-feel niya na hindi siya outcast," sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kinausap din ni Aiko si Andrei at sinabing, "Andrei, you know that Mama will do anything and always remember that even Marthena's around, Tito Martin and Mama love you just the same way that we love Marthena. I love you so much and I'll do everything for you."



In-assure din ni Martin kay Andrei na equal ang pagmamahal nila ni Aiko sa kanya. Kahit hindi raw siya ang tunay nitong ama ay pupunuan nito ang pagkukulang ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN