Rainier Castillo: "Hindi naman ako si Mark Herras para magkaroon din ng sariling show."

IMAGE 0


Rainier Castillo and Mark Herras became rivals when they both aspired for the StarStruck Batch 1 Male Ultimate Survivor title. Rainier lost, but his friendship with Mark remained.


Nasa last taping day ng Bakekang ang young actor na siRainier Castillo na kinunan sa AFP Theater last Friday, March 23. Siyaang gumaganap na Joshua, ang love interest ni Yasmien Kurdi playingCharming. Since StarStruck I, hindi pa rin pinaghihiwalay ang tambalan nina Rainier at Yasmien ng GMA-7 management.

Bukod dito, umaariba pa rin ang Hokus Pokus nila naextended na naman. Several times nang napabalitang magtatapos na angSaturday sitcom ni Bong Revilla at several times na silang nagla-lasttaping day. But everytime na nababalitang magsasara na ito, tumataasmuli ang ratings so nai-extend ito nang nai-extend.

Nagsisimula na rin sina Yasmien at Rainier sa L.U.V. Pow na magiging replacement ng book one ng Magic Kamison ni Gladys Guevara after its third book "Ghost Bride," na sisimulan this Sunday.

Okay na raw kay Rainier ang steady lang na ganito ang trabaho.Sinubukan namin kasi siyang biruin that Mark will have his first ownshow, ang Fantastic Man,na magsisimula na rin next month. Sabi ni Rainier, masaya siya na siMark ay nabigyan ng ganitong chance. High time na nga naman namagkaroon ng sariling show si Mark.

Hindi raw siya naiingit dito dahil "hindi naman ako Mark Herras para magkaroon din ng sariling show."

Samantala, dinedma ni Rainier ang balitang nililigawan niya ang StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott.

Wala naman daw kasing ganoon at hindi niya alam kung saan ito nanggaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN