Danica and Marc to visit the cager's estranged father in France soon

Mar 23, 2007
Newlywed couple Marc Pingris and Danica Sotto plan to have another honeymoon, this time in France, where Marc's estranged father lives.

Isang napakagandang wedding gift ang regalo ni Danica Sotto-Pingris sa kaniyang asawang si Marc Pingris—a reconciliation with his father.

Nakabalik na sa Manila ang mag-asawang Danica and Marc after their short honeymoon sa Boracay. May second honeymoon pala silang pina-plano in the very near future, sa France. There, they will meet Marc's estranged father, a Frenchman. Bukod pa rito ang regalo sa kanila ng Eat Bulaga! family na vacation sa Boracay ulit.

Hindi kilala ni Marc ang kaniyang ama. Hindi rin niya alam ang whereabouts nito. Si Danica ang tumulong para magkita ang dalawa. Through the help of the French Embassy in the Philippines, ipinahanap ni Danica ang ama ng kaniyang mapapangasawa that time. Namesake ang mag-ama, Jean Marc Pingris.

Natunton naman ni Danica ang ama ni Marc at siya ang nagpasimula ng e-mail exchange. Sumagot ang ama ni Marc, and so Danica introduced father to son. Sa ngayon, nag-i-e-mail na rin ang mag-ama. Ipinadala rin ni Marc ang ilang videos niya as a player sa Philippine Basketball Association (PBA) and also of their wedding ceremony.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Marc and Danica last March 3 sa Palms Country Club sa Alabang with a fairy kingdom theme.

Danica is the eldest of the two children of estranged couple Vic Sotto and Dina Bonnevie.

Read Next
Read More Stories About
Danica Sotto, Marc Pingris
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newlywed couple Marc Pingris and Danica Sotto plan to have another honeymoon, this time in France, where Marc's estranged father lives.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results