Starlet Zarah Lopez just using Polo Ravales for publicity?

by Dinno Erece
Mar 23, 2007
Starlet Zarah Lopez (left) is claiming that she had a sexual affair with sexy Polo Ravales, but the sexy actor denied it. Polo's ex-girlfriend Ara Mina is also being dragged into the issue.


Walang balak patulan nina Ara Mina at Polo Ravales ang mga patutsada ng starlet na si Zarah Lopez. Magkahiwalay na naka-text exchange ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mag-ex na sina Polo at Ara.

While nagsisimula nang mag-taping ang Lupin, ang action-adventure series ni Richard Gutierrez kung saan pareho silang kasama, hindi pa pala nagtatagpo sina Ara at Polo sa taping. Magkaiba kasi ng unit sina Ara at Polo kung kaya't hindi pa sila nagkikita or nagkaka-eksena nang magkasama.

Bukod dito, busy rin si Ara sa mga out-of town-shows niya at sa Bubble Gang. Pabalik-balik naman si Polo sa Nueva Ejica kung saan isinu-shoot ang pinakabago niyang pelikula—his first for Seiko Films—ang Silip from the direction of Joel Lamangan, kung saan makakasama niya sina Diana Zubiri at Francine Prieto.

Si Ara ang una naming natanong dahil napansin naming hindi niya pinapatulan ang Polo-Zarah issue. Isang curt reply ang natanggap namin, "no need friend."

Continue reading below ↓

Sinabi namin ito kay Polo at natuwa naman ang binata. Sagot niya, sa tingin niya, alam naman daw kasi ni Ara kung ano ang dapat patulan at hindi. Ito raw hindi.

Ayaw ring mag-comment ni Polo sa issue. Bakit naman daw si Zarah pa, puwede naman siyang ma-link sa mga partners niya sa Silip. At least, may ginagawa silang pelikula.

Matagal nang bakante sa trabaho ang nasabing Viva Hot Babe at ang issue sa kanila ni Polo ang muling nagbalik sa kaniya sa limelight.

Read Next
Read More Stories About
Ara Mina, Polo Ravales
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starlet Zarah Lopez (left) is claiming that she had a sexual affair with sexy Polo Ravales, but the sexy actor denied it. Polo's ex-girlfriend Ara Mina is also being dragged into the issue.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results