Hi! magazine talks about Kris-James-Hope "shame scandal"

IMAGE 0


Hi! magazine gives an in-depth story about the "shame scandal" involving Kris, James, and Hope. All interviews and write-ups, compiled in the latest issue of Hi! this April.



Kasing init ng parating na panahon ng summer ang mga showbiz balitang hatid ng Hi! magazine sa kanilang isyu ngayong darating na Abril.

Para sa pinakaaabangang isyu, kinalap ng Hi! ang lahat ng mga impormasyon, pati na ang mga interview tungkol sa nakakagulantang na rebelasyon ni Kris Aquino sa The Buzz. Ayon sa actress-host, nakararanas sila ng kanyang asawa na si James Yap ng problema sa kanilang relasyon.

Marami ang nagulat nang umamin sa publiko si Kris na may problema silang mag-asawa. At ilang araw nga ang lumipas ay ipinakilala naman ng Startalk ang diumano'y dahilan ng malamig na pakikitungo diumano ni Kris nang magkaroon ang The Buzz ng pre-birthday celebration para sa kanya noong Pebrero 11.

Ilang araw matapos ang pag-amin ni Kris, isang babaeng nagngangalang Hope Centeno ang lumitaw na diumano'y madalas na puntahan ni James sa Belo Medical Clinic sa Timog Ave., Quezon City. Si Hope ay sinasabing nanilbihan bilang isang receptionist sa klinika. Ngunit nang malaman ng management ang iskandalo, nag-resign diumano ang dalaga.

Mababasa rin sa Hi! ang eksklusibo at kumpletong interview na isinagawa ng Startalk kay Hope, ang interview ng Rated K sa mag-asawang Kris at James, at ang mga pahayag ng tatlong dating kasamahan ni Hope, pati ang sinasabing tampuhan nina Kris at Cristy Fermin.

Samantala, sa ibang intriga, ipinaliwanag ni Lovi Poe ang dahilan kung bakit kamakailan lamang niya naisipang lumabas sa publiko. Matatandaan na saka lamang tumunog ang pangalan ni Lovi, ilang buwan matapos ang magluksa ang local entertainment sa pagkamatay ni Fernando Poe, Jr.

Ayon sa 16-year-old singer/actress, bagamat gustung-gusto na niyang maging singer noon pa, pinayuhan diumano siya ng kanyang yumaong ama na mayroong tamang panahon para sa pagkakaroon niya ng career sa showbiz. Dagdag pa ni Lovi, "Na-realize ko lang then na siguro, it is the right time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ikatlong showbiz intriga naman, umamin si Kim Chiu na 14 years old siya nang maranasan ang kanyang first kiss. Ayon kay Kim, ang unang halik niya ay nanggaling sa una niya boyfriend noong nasa Cebu pa lamang siya.

At hindi lang dito matatapos ang pagbabasa ng Hi! magazine. Nagbigay din ng pahayag ang young actress na si Pauleen Luna kung bakit mas pinili niya ang kanyang magulang kaysa sa relasyon nila ni Marvin Agustin. Gayundin, binigyang-pugay ng Hi! ang muling pagkapanalo ng Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association.

Kaya sa mga nag-aabang ng pinakabago at mas malaman na impormasyon tungkol sa mga tsismis, isyu at happenings sa showbiz, anong pang hinihintay ninyo? Huwag ng palampasin ang April issue ng Hi! magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN