Dawn: "Sometimes it's better to be quiet because your track record speaks for itself."

IMAGE 0


"It seems like everyone also understood why I chose to remain quiet. I really don't need to explain naman myself. Parang bumaling din naman yung sympathy nila sa akin. I'm only glad for that," says Dawn Zulueta about her feud with Gretchen Barretto.


Matagal ding nanahimik si Dawn Zulueta tungkol sa mga patutsada sa kanya ni Gretchen Barretto.

Paliwanag ni Dawn, "Hindi lahat ng patutsada sa iyo, e, kailangang sagut-sagutin mo. Sometimes it's better to be quiet because your track record speaks for itself."



Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Dawn at Gretchen sa photo shoot nila ng Preview magazine at shooting para sa isang shampoo commercial last year. Sa naturang shoot daw ay nagdala si Gretchen ng mga yaya at bodyguards. Dagdag pa rito ang Louis Vuitton bags na naglalaman ng kanyang mga sapatos, damit, at make-up. Nagdala rin si Gretchen ng pamosong microwave oven.



Sa nasabing photo shoot na ‘yon, nainis diumano si Dawn sa pagiging "prima donna" ni Gretchen at sa pagpapakita ng kanyang mga mamahaling kagamitan. Magmula noon, makailang ulit na nagpahayag si Gretchen ng pagka-dismaya sa dating kaibigan.



Bunga rin ng hindi pagkakaunawaang ito, hindi na natuloy ang pelikulang Desperadas kung saan kasama sana nila sina Ruffa Gutierrez at Pops Fernandez. Nauna nang hindi pinayagan si Gretchen ng partner niyang si Tonyboy Cojuangco na sumama sa naturang pelikula. Samantala, idinahilan naman ni Dawn ang kawalan na niya ng oras para gawin pa ang Desperadas.



Kuwento pa ni Dawn sa S-Files nitong March 25, "I choose to be quiet about it. It seems like everyone also understood why I chose to remain quiet. I really don't need to explain naman myself. Parang bumaling din naman yung sympathy nila sa akin. I'm only glad for that."



Kanyang pagpapatuloy, "Ayoko namang patulan din. I'm glad din with the support of everyone, yung media as well as yung mga fans. They're not quick to judging, anyway, kasi ang hirap din na parang pinagbibintangan ka for something na hindi mo naman talaga ginawa or hindi mo naman sinabi."



Nang tanungin kung magkakabati pa ba sila ni Gretchen, sinabi nitong, "You cannot choose when and how it will happen. Minsan, naturally mangyayari, then you let it. Pero I cannot say if it will happen in private or in public."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sinabi pa nitong, "You know the saying that yung friends mo sa business, they're not all temporary but you have the same interests. Lahat tayo magku-krus din yung mga landas natin. It's important also that you have good relations with everyone."



Sa January 2007 issue ng YES! magazine, nauna nang nagsalita si Dawn tungkol sa isyu nila ni Gretchen kung saan sinabi niyang, "I cannot explain myself more than this. This is my choice not to explain.



"Let her [Gretchen Barretto] tell her story. I have no control over what she says or does. I have not control over what people will say. I'm really doing my best to keep silent."



Naging malapit na magkaibigan sina Gretchen at Dawn nang kapwa sila maging host ng defunct variety show na GMA Supershow, kung saan kasama nila ang Master Showman na si German Moreno. Pareho silang maagang nasabak sa show business at pareho ring nakapag-asawa ng mga businessmen. Kasal si Dawn kay Antonio Lagdameo at biniyayaan sila ng anak na nagngangalang Jacobo.



Huling nagpang-abot sina Gretchen at Dawn sa 7th anniversary party ng YES! at grand launch ng PEP noong February 28 na ginanap sa NBC Tent, The Fort. Hindi nagpansinan ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN