John Estrada finally reconciles with Janice de Belen

IMAGE 0


Actor John Estrada says he's willing to be the Best Man on the wedding of his former wife Janice de Belen. "Kahit pari puwede ako. Kahit ako ang magkakasal sa kanila, puwede ako," jokes John.




Masayang ibinalita ng aktor na si John Estrada ang pakikipag-ayos niya sa dating asawang si Janice de Belen.

"For the past, I think, three or four months maganda na talaga ang usapan namin. Kasi hindi ko naman pwedeng i-deny na dati, medyo nagkaroon kami ng problema, ng misunderstanding, so kahit sa telepono ayaw niya akong kausapin. But now, open na kami," balita ni John sa live interview niya sa The Buzz kahapon, March 25.

Ayon pa sa aktor, mas mabuti ngayon ang relasyon nila bilang magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak. Matatandaang may apat na anak na sina John at Janice bago pa na-link ang aktor sa dating TV host-actress na si Vanessa del Bianco.

Nilinaw rin ni John na kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng problema kay Janice sa tuwing gusto niyang makita ang kanilang mga anak.

Aniya, "Never naman nangyari 'yon. Never akong nagkaroon ng problema na ihiram at makita ang mga anak ko. Kahit anong oras 'yon, welcome ako."

Nang tanungin si John kung boto ba siya sa bagong kasintahan ni Janice at ang diumano'y pagpapakasal nila, ipinaliwanag ng aktor na, "Alam mo, noong unang-una talaga, medyo hesitant ako kasi ang rason ko lang doon... Kasi siyempre kapag nag-asawa siya—at siyempre naman mangyayari 'yon dahil ang bata pa naman ni Janice—ang concern ko doon, kung mabait itong lalaking ito, kung sinuman siya noon.

"Pero noong malaman ko sa mga anak ko na rin, sila mismo [nagsabi], na mabait itong kasalukuyang boyfriend ni Janice. Noong malaman ko sa mga anak ko na mabait itong boyfriend ni Janice, kampante na ako."

Dagdag pa ni John, hindi rin daw niya gustong makialam pa sa personal na buhay ng dating asawa at ang tanging napag-uusapan nila ay ang kanilang mga anak.

"Hindi confirmed 'yong pagpapakasal. And tuwing nag-uusap kami ni Janice, we never talked about our personal lives. So talagang sa kanya 'yon; 'yong akin, akin. Pero pagdating sa mga bata, lahat dapat pag-usapan namin," paliwanag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumayag kaya si John kung sakaling imbitahan siya sa kasal ng dati niyang asawa?

"Kahit pari puwede ako. Kahit ako ang magkakasal sa kanila, puwede ako," natatawang sagot ni John.

Samantala, hindi rin nakaligtas si John sa tanong tungkol sa kanyang dating girlfriend na si Vanessa. Ngunit tila ayaw nang pag-usapan pa ng aktor ang anumang bagay ukol dito.

"Pagdating kay Vanessa, actually, talagang gusto ko na lang ibigay yung respeto sa kanya. Wala siya rito, unfair naman sa kanya na pinag-uusapan pa. 'Yon na 'yon kumbaga ibibigay ko na sa kanya 'yon," paiwas na sagot ni John.

At bago matapos ang panayam, nagkaroon ng pagkakataong linawin ng aktor ang mga bali-balitang pagkakaroon ng magandang pagtitinginan sa pagitan nila ng aktres na si Gretchen Barretto.

Ayon kay John, "Hindi po totoo 'yon. Kung sinuman ang naglabas noon, naku, napaka... Ewan ko kung ano na ‘yong salitang magagamit ko kasi, unang-una po, I only saw her a few times. Although isang grupo kami, nakakatawa lang 'yong tsimis na 'yan.

"Unang-una, walang katotohanan. At pangalawa, napaka-unfair sa babae because she is really a beautiful person. She's a very nice person. Noong nakilala ko siya, mabait na tao pala talaga si Gretchen. Hindi lang maganda, mabait pa. At siyempre, pangatlo, may asawa 'yong tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN