Toni Gonzaga on Zanjoe Marudo: "Para siyang maginoo pero bastos!"

IMAGE 0


Toni Gonzaga and Zanjoe Marudo will team upagain to add heat in Love Spell this summer season.




Halos pareho ang naging tanong kina Toni Gonzaga at ZanjoeMarudo nang kausapin sila ng entertainment press sa press con ng LoveSpell sa ABS-CBN Compound kahapon, March 26.

Tanong ng media, "Bakit sa tingin ninyo nag-click kayo?"

Ayon sa paglalarawan ni Toni, "Siguro, I think 'yong pagigingnatural namin sa isa't isa. Siya [Zanjoe] 'yongtipo kasi ng tao na nagje-jell sa akin, parang same wavelength. Kapag nag-uusap, nage-gets niya 'yong jokeko."

Dagdag pa ng TV-host/actress, "Masarap katrabaho si Zanjoekasi kumportable na kami sa isa't isa at saka magaan lang siyangkatrabaho. Wala siyangpretensions. Kung ano lang siya, ‘yonlang ang pinapakita niya sa tao. Bastaiba si Zanjoe."

Matatandaan na unang nagkasama sina Toni at Zanjoe sapelikulang You Got Me, kung saan kasama rin si Sam Milby, na ipinalabas noong Pebrero.At ngayon ay muli na naman silang magtatambal para sa Love Spell napinamagatang "Barbi-cute."

Dahil sa paglalarawan ni Toni ng samahan nila ni Zanjoe, 'dinaiwasang maitanong kung sino sa mga naging ka-partner niya—Luis Manzano, SamMilby at Zanjoe—ang mas mahusay na ka-loveteam.

Ngunit tila nahirapan si Toni na sagutin ang tanong kungkaya't ang tanging nasabi niya ay, "Mahirap i-compare kasi may kanya-kanya silang strengths andweaknesses."

Gayunman, masasabi pa ring mas nagugustuhan ni Toni ang pagtatambalannila ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Zanjoe.

Samantala, hindi naman nakasagot si Toni nang tanungin siyang press kung nililigawan siya ni Zanjoe.

Ayon sa kanya, "Itong si Zanjoe, magaling ito, e. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa isipniya, kung ano ang nasa utak niya. Parang walang pakialam lagi sa lahat. Mysterious itong si Zanjoe. Parang lagi ka niyang pag-iisipin kung anong iniisipniya. Parang pag-iisipin ka niya kunggusto ka niya o hindi ka ba niya gusto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, kung mayroon man siyang nagustuhan sa ugali niZanjoe, ito ay ang pagiging natural nito. Sa katunayan, sa paglalarawan ni Toni, "Masarap kausap si Zanjoe,totoong tao lang, wala siyang pretensions. Hindi nambobola, straight to the point. Ganun makipag-usap ‘yon, para siyang maginoo pero bastos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN