Malou Choa-Fagar: "'Eat...Bulaga!' does not need reformatting."

IMAGE 0


TAPE Inc.'s SVP and COO Malou Choa-Fagar refutes the report of columnist Ricky Lo that Eat...Bulaga! (hosted by Vic Sotto and Joey de Leon, inset) will undergo "major reformatting." Ms. Malou says, "We do not need to reformat, we're doing very well."


Pinabulaanan ng SVP at COO ng TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar ang isinulat ni Ricky Lo sa kanyang column kahapon, March 27, sa Philippine STAR na magkakaroon ng "major reformatting" ang daily noontime show ng GMA-7 na Eat...Bulaga!.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Malou sa press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para kay senatorial candidate Tito Sotto sa Imperial Palace Suites kagabi, March 27, 2007.

Ayon sa kanya, "We don't need to reformat. Ang hindi nila alam, every time I think I need to introduce a change, I do it already sa show kaya hindi ko na kailangan ng reformat."

Nagbigay pa ng ilang halimbawa ang lady boss ng Eat Bulaga! to stress her point. Kung nakikita niya raw na mainit ang isang segment, like "On the Spot," hahabaan daw nila ang airing time nito.

Dagdag pa ni Ms. Malou, lagi raw siyang nagmamasid kung ano ba ang nagre-rate at hindi. Ito ang dahilan kung bakit halos araw-araw ay may nakikitang pagbabago at improvement sa Eat Bulaga!.

Sa madaling-salita, gamay na ni Ms. Malou ang pakikipagparamdaman sa pulso ng masa, at ang patunay nito ay ang pamamayagpag sa ere ng Eat...Bulaga! for the past 28 years.

Mariin ding itinanggi ni Ms. Malou ang naisulat ni Ricky sa kanyang Funfare column na maraming tatanggalin sa hosts ng Eat Bulaga! dahil diumano sa pagre-reformat na gagawin ng naturang show.

Sabi ni Ms. Malou, baka isipin ng mga taong may reformatting ngang mangyayari dahil mawawala sina Tito Sotto, Anjo Yllana, at Teri Onor. Pero pansamantala lamang ito dahil tatakbo silang lahat ngayong eleksiyon. Idagdag pa rito na ang buntis na si Julia Clarete ay malapit na ring manganak, kaya pansamantala rin itong hindi mapapanood sa Eat...Bulaga!.

Posibleng ang isang dahilan kung bakit may lumalabas na balita na magre-reformat diumano ang Eat...Bulaga! ay dahil sa mahigpit na kumpitensiyang ibinibigay ng karibal nitong programa sa ABS-CBN, ang Wowowee ni Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoong naungusan ng ilang araw o linggo ng Wowowee ang Eat...Bulaga! sa ratings, pero nitong mga nakaraang linggo ay balik na naman bilang number one noontime show ang programang hinu-host nina Vic Sotto at Joey de Leon. Sa katunayan, ayon sa latest ratings na nakalap ng PEP noong March 23 (Friday), nakakuha ng 25.6 percent ang Eat...Bulaga!, samantalang 22.7 percent naman ang Wowowee. Noong March 24 (Sabado) naman, nagtala ng 26.6 percent rating ang Eat...Bulaga! at 20.8 percent lamang ang Wowowee.

"We do not need to reformat, we're doing very well. Ano kami talunan? Kami nga ang nagunguna," diin pa ni Ms. Malou bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN