No marriage talks yet for Vic Sotto and Pia Guanio

by Rose Garcia
Mar 28, 2007
"Hindi naman tayo nakikipagrelasyon dahil lang gusto mong may karelasyon. Siyempre, may ultimate goal ka. Siguro nga, yung pag-aasawa, kung darating tayo dun, e, di mas mabuti," says Vic Sotto about his relationship with girlfriend Pia Guanio.

"Same as ever, happy as ever" ang mga deskripsiyon ng Box-Office King na si Vic Sotto sa estado ng kanyang lovelife with Pia Guanio. Hindi rin niya itinanggi na totoong nagawa na niyang i-give up ang paninigarilyo bilang pagtugon sa kahilingan na rin ni Pia sa kanya.



"E, para sa akin din naman yun. At alam naman natin na hindi naman talaga nakakabuti sa katawan ang paninigarilyo, and I'm not getting any younger," sabi ni Vic sa press con ng kapatid niya at senatorial candidate na si Tito Sotto kagabi, March 27, sa Imperial Palace Suites.



Pagdating sa kasal, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Pia ang bagay na yun.



"Pero siyempre, lahat naman ng relasyon tungo sa isang... Hindi naman tayo nakikipagrelasyon dahil lang gusto mong may karelasyon. Siyempre, may ultimate goal ka. Siguro nga, yung pag-aasawa, kung darating tayo dun, e, di mas mabuti," paliwanag pa ni Vic.

Continue reading below ↓



Happy rin daw si Bossing (bansag kay Vic) sa pagiging very vocal at proud ni Pia sa relationship nila ‘tulad ng madalas na pahayag ng dalaga sa Sunday talk show nitong S-Files.



"Yeah, it's flattering. And besides, wala naman kaming itinatago [ni Pia]. Wala naman kaming ginagawa. So kung masaya ka, mas mabuting isine-share yung happiness," nakangiting sabi ni Vic bilang pangwakas.

Read Next
Read More Stories About
Vic Sotto, Pia Guanio
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman tayo nakikipagrelasyon dahil lang gusto mong may karelasyon. Siyempre, may ultimate goal ka. Siguro nga, yung pag-aasawa, kung darating tayo dun, e, di mas mabuti," says Vic Sotto about his relationship with girlfriend Pia Guanio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results