Ai-Ai on Pokwang: "Wala namang comparison."

IMAGE 0


"Wala namang comparison kasi unang-una, modesty aside, nauna naman ako sa kanya,” comments Ai-Ai delas Alas (left) about being compared to fellow comedienne Pokwang.



“Ayoko nang pag-usapan si James,” ito ang panimula ni Ai-Ai delas Alas nang tanungin kung okay lang siyang makipagbati sa asawa ni Kris Aquino na si James Yap sa grand press con ng pinagbibidahan niyang pelikula na Ang Cute ng Ina Mo.

Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan nina Ai-Ai at James nang magbiro ang Comedy Concert Queen na isauli muna ng kaibigan niyang si Kris ang basketball player sa nanay nito noong kasagsagan ng James-Hope controversy. Pagkatapos, nakatanggap si Ai-Ai ng text message mula kay James. Gamit ang cell phone ni Kris, sinabi diumano ng cager na huwag siyang makikialam sa problema nilang mag-asawa at hindi siya nakakatawa.

Iwas mang magbigay ng dagdag ng pahayag sa nasabing issue, naging bukas naman si Ai-Ai na sagutin ang ilan sa mga binato sa kanyang intriga. Isa na nga rito ang patuloy na pagkukumpara sa kanila ng komedyanang si Pokwang.

Nang papiliin nga raw ang isa pang comedienne na si Eugene Domingo kung sino para sa kanya ang mas magaling between Ai-Ai and Pokwang ay nahirapan itong pumili. Na-offend ba si Ai-Ai kay Eugene?

“To be honest, 'di ako na-offend kay Eugene,” sabi ni Ai-Ai. “Sabi ko nga, baka iniisip niya kasi na ‘pag sinagot niya the other way around, ma-offend ako. O 'pag pinili niya na ako, ma-offend si Pokwang. Pero sabi ko nga, wala namang comparison kasi unang-una, modesty aside, nauna naman ako sa kanya.”

Sa kabila ng mga pagkukumpara at pang-iintriga kina Ai-Ai at Pokwang, bukas daw ang Comedy Concert Queen na makasama sa trabaho si Pokwang.

“Okay lang. Kung maganda naman yung project, why not, di ba?” nakangiti niyang sagot.

Samantala, ikinagulat ng marami nang ipagtapat ni Ai-Ai sa mga nakaraan niyang interviews na hindi pala ang dating singer na si Miguel Vera ang ama ng panganay niyang anak na si Sacho kundi isang theater actor. Kung ikina-shock ito ng iba, hindi na ni Sacho dahil sa simula pa lang pala ay ipinagtapat na raw ni Ai-Ai sa anak ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since one year old pa lang si Sacho, si Miguel na ang nakamulatan niyang ama. In-open ko sa kanya yun nung nine years old pa lang siya. Nung una, na-shock siya, then na-realize niya na tama lang naman na malaman niya kung saan siya nanggaling, kung sino ba talaga ang tunay niyang ama,” kuwento ni Ai-Ai.

Katulad ng ibang mga magulang na lumaki at naging hanapbuhay na ang pagsu-showbiz, ayaw rin ni Ai-Ai na mag-artista ang kanyang mga anak.

“Ayoko, e,” sabi ni Ai-Ai. “Sabi ko nga, kung kaya ko naman silang pag-aralin na 'di magta-trabaho at magpupuyat, ako ang magta-trabaho dahil responsiblidad ko yun. Yung ibang mga kabataan natin, nag-aartista sila kasi gusto nilang makatulong sa pamilya nila. Ako, kaya ko naman silang pag-aralin.

Dagdag pa niya, “Ang hirap mag-artista, akala lang nila madali. Yung mga bata, kahit tulog, ginigising. Ayokong maranasan ng mga anak ko yun. Actually, masarap kasi sikat ka pero behind that, di nila alam na mahirap.”

Sa usapang lovelife naman ay naikuwento sa amin ng comedienne na isang Tiger ang diumano’y nagte-text sa manager niyang si Boy Abunda para ipaabot ang nararamdaman nito kay Ai-Ai.

"Si Tiger, ewan ko nga diyan kay Ama [Boy], kung sino ba si Tiger. Gusto ko nga siyang makilala. Alam mo Tiger—kung nasaan ka man—ako ang i-text mo, wag si Boy, para makilala kita, para magkaalaman na kung sino ka ba talaga! Come, Tiger, come!” natatawa niyang sabi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN