Derek Ramsey is crazy about Angelica Panganiban's special corned beef

IMAGE 0


"Maanghang yung pagkaluto niya. Pero ewan ko, talagang busog na busog ako sa niluto niya para sa akin," says Derek Ramsey about Angelica Panganiban's corned beef.


Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica Panganiban noong grand presscon ng Rounin ay inamin ng young actress na more than friends na ang relasyon nila ng model-turned-actor na si Derek Ramsey.



Ayon kay Angelica, hanggang doon lang ang puwede niyang masabi dahil ang pag-amin ay dapat daw manggaling kay Derek.



Sa taping ng Homeboy noong Tuesday night, March 27, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makuha ang panig ni Derek. Nang nakasalang siya sa programa ni Boy Abunda ay speechless si Derek nang tanungin kung sila na ni Angelica, pero mas naging open ang binata sa pagsagot sa katanungan ng PEP.

"On the spot, speechless ako," panimula ni Derek. "Sometimes you don't need words to describe how you feel, 'di ba? Sometimes you know, you can see how somebody feels with their aura, with the way their eyes are."



"Hindi po, kasi ayoko pong magbitaw [ng statement] kung hindi ako sigurado. Like I said, pinag-iisipan ko muna at ina-analyze ko muna kung talagang I wanna step over to that part of a relationship o hanggang diyan lang 'yan."

Dagdag pa niya, "You know, ayokong tumalon into a relationship. If I can think she's [Angelica] not capable of being the right one, then bakit pa kami lalabas? Pero as of now, we're both enjoying each other's company. So far, it's positive."



Binanggit namin kay Derek na sinabi ni Angelica na ipinagluluto siya nito ng mga de lata at ang pinaka-paborito raw ng binata ay ang corned beef ng young actress.

"Yun nga, ipinagluluto niya ako ng corned beef na masarap!" nangingiting sabi ni Derek.



Ayon sa binata, sobrang nasarapan siya sa lutong corned beef ng young actress dahil naiiba ang recipe nito.

"Maanghang, e!" tanging deskripsyon na naibigay ni Derek sa corned beef ni Angelica. "Maanghang yung pagkaluto niya. Pero ewan ko, talagang busog na busog ako sa niluto niya para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nilinaw ni Derek ang lumabas na balita na may balakid sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Angelica dahil committed na raw ito sa ibang babae.

"There's no third party tulad ng nasasabi sa news, walang ganun. Basically, right now, it's just, you know, we're getting to know each other more and more, and we'll see where it goes from here," sabi ni Derek bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN