Rudy and Lorna flying to Hong Kong for the actor's medical check-up

IMAGE 0


Celebrity couple Rudy Fernandez and Lorna Tolentino will fly to Hong Kong on April 8 for the actor's medical check-up. Rudy was diagnosed of having periampullary cancer. Mother Lily Monteverde (pictured with Rudy and Lorna) recently visited the couple to give moral support.


Pupunta sa Hong Kong sa April 8 ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino para sa medical check-up ng action star.



Nanggaling ang impormasyon mula kay Rudy mismo nang dalawin namin siya ni Lolit Solis (manager nina Rudy at Lorna) noong Lunes, March 26, sa tahanan nila ni Lorna sa White Plains, Quezon City. Kasabay rin naming dumalaw ang Regal matriarch na si Lily Monteverde para magbigay ng moral support sa mag-asawa.

Dumating din nang gabing 'yon si Fr. Joey Faller, ang healing priest mula sa Kamay ni Hesus, Lucban, Quezon.

Masiglang-masigla si Rudy nang makita namin at walang-wala sa kanyang hitsura na may kanser siya.

Perfect host si Rudy dahil siya ang personal na naghain sa kanyang mga bisita ng masasarap na pagkain (sinigang na baboy, inihaw na tilapia, tortang talong, burong kanin and mango with sticky rice for dessert) na inihanda nila ni Lorna.

Ayon kay Rudy, nakakaramdam lamang siya ng panghihina pagkatapos ng kanyang chemotherapy session. Low-bat daw ang kanyang pakiramdam at tumatagal ito ng tatlo hanggang apat na araw.



Cranberry juice at fresh lemon grass tea ang mga iniinom ni Rudy. Amoy eucalyptus ang bahay nila ni LT at may relaxing effect ito sa kanilang mga nagiging bisita.

Walang naman daw nabago sa activities ni Rudy mula nang ma-diagnose na meron siyang periampullary cancer. Patuloy pa rin ang pag-e-excercise niya at ang kanyang pagtatrabaho. In fact, may offer kay Rudy na mag-guest sa isang weekly drama show at magkaroon ng special participation sa isang top-rating TV series.



Malaki ang pag-asa ni Rudy na gagaling siya, sa tulong ng Diyos at ng mga nagmamahal sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN