Rhian Ramos clashes this time with Alessandra de Rossi

IMAGE 0


Rhian Ramos (right), after figuring in a spat with Ara Mina, is now reportedly in a clash with Alessandra de Rossi (left). The former allegedly screamed at Alex while they were on the set of an upcoming GMA-7 show.


After Ara Mina, si Alessandra de Rossi naman ang nakabangga ng newcomer na si Rhian Ramos.

Katatapos pa lang ng issue between Ara and Rhian na mag-co-star sa upcoming Lupin, ang bagong action-adventure series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, ngayon naman ay si Alex naman ang nakabanggaan niya. Ang insidente ay naganap last Tuesday, March 27, sa taping ng kanilang show, ang L.U.V. Pow.

Whole day taping si Alex that day at kasama siya sa lahat ng kukunang sequences, 18 in total. She plays the contravida in the mala-Charmed show also starring Yasmien Kurdi and Valerie Concepcion.

Sa last scene for the day ni Rhian—who plays Umi (pronounced Yumi)—which took place before 12 midnight, sila ni Alex ang magka-eksena. While napu-pronounce naman ni Alex nang tama ang character name ni Rhian, noong actual take, nagkamali siya so she apologized and to lighten up, nagpatawa pa siya.

Bigla raw diumano binulyawan ni Rhian si Alex ng "Can't you try to be professional please! I'm working my ass off here!" sabay alis muna.

Nawindang si Alex sa pagtrato sa kaniya ni Rhian.

In all her nine years in the business daw, never siyang nasigawan ng mga co-stars niya. She admitted nagkakamali rin siya with co-stars like Lorna Tolentino, pero never siyang ipinahiya nang ganito. Vice versa, nagkamali na rin daw ang mga co-stars niyang baguhan at hindi niya rin trinato nang katulad ng ginawa ni Rhian sa kanya.

Sa galit ni Alex, ibinato niya ng tatlong beses ang kaniyang cell phone in frustration at nasira ang keypad nito. Ayaw niya kasing kumprontahin si Rhian kahit gustong-gusto na niya.

Nang natapos at umalis si Rhian, saka nag-iiyak si Alex sa staff. Earlier before this happened, may nagre-reklamong staff kay Alex about Rhian na may attitude problem diumano ang newcomer at sinasabihan sila ni Alex na pabayaan na dahil maganda naman ang girl. Hindi niya akalaing pati siya, mabibiktima ng attitude ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At press time, hindi alam ni Alex kung babalik pa siya sa set ng L.U.V. Pow na papalit sa first season ng Magic Kamison after it finishes its third story arc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN