Nikki Bacolod clarifies "snubbing incident" between Katya and Iwa

IMAGE 0


Young singer-actress Nikki Bacolod (middle) tells her side of the story on the alleged snubbing incident between Katya Santos (left) and Iwa Moto (right).


Si Nikki Bacolod ang makapagpapatunay na hindi si Katya Santos ang pinagbubulungan nila ni Iwa Moto noon sa Posh taping, gaya ng claim ng Viva Hot Babe nang mag-guest siya sa "Forbidden Questions" segment ng Good Times With Mo.

Noong mag-guest daw si Katya sa defunct QTV 11 show na Posh that starred Iwa and Nikki among others, after the initial hi and hello, dinaan-daanan lang daw siya ni Iwa. Later on, habang siya ang kinukunan for a scene, napansin daw ng tita ni Katya na nagbubulungan sina Iwa and a female co-star at tumitingin sa monitor. Feeling ni Katya, siya ang pinagbubulungan ng dalawa.

Nasagot na ito ni Iwa. Nahiya lang daw siyang makipag-usap kay Katya after the first batian. Later on, kung nagbubulungan man daw sila ng co-star niya, it's only because may nagti-taping nga, so hindi puwedeng magsalita nang malakas, but Iwa swore na hindi si Katya ang pinag-uusapan nila.

Ang kausap noon ni Iwa ay si Nikki, another Viva Artist Agency (VAA) talent na part ng upcoming Star Cinema movie Ang Cute ng Ina Mo starring Ai-Ai delas Alas.

Hindi pala alam ni Nikki na may ganitong issue at damay pa siya. Natatandaan niya ang araw na yun na nang una silang magkita noong umaga, bumati raw siya kay Katya at sa tita nito.

Regarding the bulungan at tumitingin sa monitor, imposible raw na mapatingin sila sa monitor dahil malayo sila roon that time. Nikki also swears na hindi si Katya ang pinag-uusapan nila ni Iwa kundi boy crushes.

Kinabahan tuloy si Nikki na baka galit din sa kanya si Katya.

"Noong umalis na nga sila, nag-goodbye pa ako sa kanila. Hindi naman po sila mukhang galit," naalala rin ni Nikki.

"Kinakabahan naman ako na may ganito palang issue. Gusto kong maiyak. Sana hindi siya [Katya] galit sa akin," pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN